Chapter 66 “WELCOME HOME!” Masigla kong bati kay Andrew nang mapagbuksan ko siya ng pintuan. Today, we officially live together under one roof. Hindi na ako mag-isa at lahat ng gamit ko ngayon ay magkapares na. Yumakap ako kay Andrew saka mabilis siyang hinalikan sa kanyang labi. I immediately felt his two hands on my sides. Hinabol pa niya ang labi ko nang humiwalay ako para kuhain iyong gift box saka inabot sa kanya. “Eto na iyong isa pang regalo ko na hindi ko nabigay noong nakaraan.” Ngumiti ako saka inutusan siyang buksan na iyon. Ewan ko bakit excited pa rin ako kahit alam ko naman na ang laman noon. Hinanda ko iyon at pinag-isipang maigi ang message na isusulat sa card na nasa loob ng gift box. Pinanood ko siyang buksan iyon pagkalapag niya ng bag sa sahig. It took two weeks befo

