Chapter 08
Arc
NANG LUMABAS ako kinaumagahan, si Clarence ang nabungaran ko sa garden at hinahanda niya iyong barbecue griller doon. Naisip ko na baka nag-request si Dean ng barbecue meal kaya inaayos niya. Nang magtama ang aming mga mata, kumaway ako sa kanya bago nagtuloy sa paglalakad papunta sa laundry area. Ngayon darating iyong tiga-laba nila at bitbit ko na ngayon itong sandamakmak na marumi ng kambal. Gaya ng sabi ni Clarence, tuwing weekend kung magpunta dito ang tiga-laba nila kaya naiipon talaga ang mga maruming damit.
"There's another laundry basket left upstairs. Sir Andrew is still sleeping," sabi ko pagkababa ng laundry basket na bitbit.
"Where is yours, ma'am?" Tanong niya.
"Ah, no, I can wash it on my own. I'm just an employee here like you."
Marami talaga nagkakamali simula ng mag-stay ako dito. Iyong ibang tiga-deliver, akala ako si Dr. Addie. Iyong naman kalahating tsismoso dahil nag-iba na daw asawa ni Dr. JD. Uwian kasi talaga ako at ngayon lang nag-stay ng matagal-tagal dito sa bahay ng mga De Luna. Iniwan ko na iyong tiga-laba matapos makipag-kwentuhan dito.
Natigil ako paglakad ng makita sa labas iyong babae na kausap ni Andrew ng mag-away kaming dalawa. Bakit narito na naman siya? Mang-iinis na naman ba siya at ako na naman mapapahamak?
"Is Andrew there?" Tanong na nagpahinto sa akin sa paglakad uli papasok.
"Umalis na siya dito." Sabi ko sa kanya.
"But his car is there,"
"He took a cab and left."
"Arc, the twins - you again?" Mariin ako pumikit dahil sa pagkapahiya.
"Liar." The lady said to me and then faced Andrew. "We need to talk, Andrew. May sasabihin ako na importante --"
"I don't care, Kayla." Binalingan ako ni Andrew. "Next time don't talk to strangers, okay? Pasok na, gising na yung kambal."
"Who is she?" Tanong pa uli ng kausap ni Andrew.
"None of your business, and may I remind you that you don't have a business here, by the way."
"Andrew…"
"Stop, Kayla. Just stop, okay?"
"I just want to talk to you -"
"Wala tayong pag-uusapan dalawa,"
That's the last words Andrew uttered before turning his back off Kaylan. Yes, that's her name but apart from it, she has an ill attitude. Agad ako sumunod kay Andrew papasok dahil baka mainis na naman siya at ako ang pag buntunan ulit. As much as possible, I have to prevent war inside ths household. But, how am I going to that when a devil stays beside me every single day? Buti na lang talaga may pang-balanse kaya naitatawid ko pa rin ang araw ko.
"Arc, Dean is having a hard time with his assignments and I have a work…" Iyon ang bungad na sabi sa akin ni Clarence. Sasagot na dapat ako ngunit naramdaman ko ang presensya ni Andrew sa tabi ko kaya tumahimik na lang muna ako.
"Seriously, C, why don't you just hire a tutor instead of bugging Arc here?" Parang irita iyong boses ni Andrew at doon naalala ko iyong goal ko. Silent the devil to avoid war.
"It's fine. I'll help Dean. Extra income din para makaipon ako ng mabilis." I blurted out, which made the two guys stopped and stared at me. "Where is Dean?"
"At home," sagot ni Clarence.
"Okay. I'll go there with the twins once I'm done here." Napatingin ako kay Andrew at may hindi makapaniwalang reaksyon ang nakabalatay sa mukha niya.
"I changed my mind, Arc. Tama si Andrew, marami ka na ginagawa -"
"Dean is having a hard time dealing with socializing. Ang kilala lang niya ay ako, ikaw, yung kambal, si Andrew at sina Dr. De Luna," I cut Clarence off just to say that.
"Because you both limit his network. Instead of sending him in a normal school, you choose home schooling." Sabat ni Andrew na akala mo talaga maraming alam sa pagiging magulang.
Clarence sighs deeply. "I'll find a tutor. Thanks, Arc." He said and then turned his back off of us.
"O-okay lang talaga. Habang wala ka pa naghahanap kaya ko naman siya turuan." I negotiated, which I think convinced Clarence and he just nodded and then smiled a bit before finally leaving.
"Wow -"
"Shut up, okay? Kailangan ko ng extra income."
Diretso ko na sabi sa kanya saka lumakad na pa-akyat sa kwarto ng kambal. Baka kapag narinig ko pa ang sagot niya ay mapikon na naman ako. Buti sana kung lagi siya ma-u-unang mag-sorry at may kasamang peace offering gift pa. Basically, I cannot afford any of his likings. Upon searching about Andrew, I realized that he wasn't just a simple man. Their clan is a so-called elite clan in the Philippines.
They're known for several business, law enforcements, showbiz, and even got involved with royalties. Kung sinuman ang mamahalin niya, dapat ka-level niya o 'di kaya naman ay kaunti lamang ang diperensya ng estado sa buhay. Iyong babae kanina, pasado sana kaso mukhang galit sa kanya si Andrew. Kung ano 'man ang rason, labas na ako doon. May sarili din akong problema na kailangan harapin sa buhay ko.
"Ate Arc, this one, I cannot understand it." Pinakita ni Dean sa akin kung saan siya nahihirapan at madali ko naman iyon na-paliwanag sa kanya. He's smiling while answering because the wordy questions make it complicated. "Thank you, Ate Arc, you're the best."
"You're welcome. Let me see your other assignments, Dean." Sabi ko at isa-isa niya inabot iyong papel.
While I am busy teaching Dean, the twins are too busy coloring their books. Alam na nila iyong mga kulay at natutuwa ako sa progress na iyon. At least, nalimutan nilang dalawang linggo na wala ang parents nila. I have to endure all of this in six more weeks. Yes, Arc, six weeks na lang.
"Have you searched for review centers in the Philippines, Arc?" Tanong na pumukaw sa akin. It comes from Clarence, who's sitting with us, trying to communicate with the twins.
"Mahal iyon kaya baka mag self-study na ako."
"Stop being modest, Arc."
"I'm not. Tinitimbang ko lang kung alin ang importante. Kaya ko naman mag-aral mag-isa. Kailangan ko lang prayers."
"I am not that religous, Arc, but I believed that everything happens for a reason." Tumingin ako sa kanya pagkatapos niya masabi iyon. Iyon ba ang pilit niya sinisiksik sa isip niya noong mga panahon na nagtatanong siya bakit maaga lumisan ang nanay ni Dean? "What? Stop staring, that's illegal."
"Lahat ba bawal sa bansang ito?"
"No, because it's just a joke." Tumango-tango bilang sagot. "I'm curious about you and Andrew. Close na kayo agad? Did I miss something between the two of you?"
Pagak ako na napatawa. Komedyante talaga si Clarence dahil napaka-imposible naman ng iniisip niya. May crush ako sa kanya kaya palalampasin ko na ito ngayon. Hindi ko pa pwede ibunyag na sa kanya ako may gusto.
"Andrew is just a foe, sometimes a friend."
"And a possible love interest, right?"
"No, I swear! Andrew is…"
"Andrew is what, Arc?"
"He is… h-handsome, but ugh… has an attitude, so no."
"He has an attitude which you can change. People change, Arc, always."
"But my eyes are into someone, so there's no chance. Stop interrogating me,"
Clarence chuckled softly. "Okay, I'll stop but let me help you when you go back, study, and take medical school,"
"Why?"
"I just want to help, Arc." Tumango-tango lang ako sa sinabi niya. "I'm glad that he's just a friend to you."
Napatingin ako agad kay Clarence.
"May sinasabi ka?"
"It's nothing. I'll cook for tonight. Dito na kayo kumain ng kambal,"
Naiiling akong muling tinuon ang atensyon sa tatlong alaga ko.
***
MAGHAPON ako kinulit ni Andrew at hindi pinatahimik hangga't hindi nakukuha ang gusto. That's why we're inside the kitchen and I am cooking for him, the twins and Dean. Hindi ko alam bakit ngayon gusto na niya na ipagluto ko siya gayong wala nga siya tiwala sa akin. Paulit-ulit ko na lang sinisiksik sa utak ko na may tiwala na siya sa wakas. That we're getting well along now, trying to fix the mishaps before.
"Anong feeling ng unang flight mo bilang piloto?" Tanong ko kay Andrew. Curious talaga ako noon pa sa mga eroplano pero ng sumakay na ako papunta dito, hindi ko naman na-enjoy dahil sa kaba na naramdaman.
"Fulfilling because I landed the plane with a lot of passengers safe and smoothly."
"Hindi ka naman pala ganun kasama," komento ko.
"What?"
"I didn't say anything,"
"Yes, you did."
Umiling ako at hinain na ang ni-request niyang pagkain. It was chicken and pork adobo which I wanted to eat too. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras na magluto dahil puro ako trabaho. Ngayon lang din nakahinga kahit paano dahil kung hindi umalis si Dr. Addie, baka may dalawa pa akong trabaho na kuhain. Kailangan ko talaga makaipon ng mabilis para makapag-take na ako ng board exam.
"Lolo's favorite food," Sabi ni Dean.
"Talaga? This is your Lolo's favorite?" Tanong ko agad kay Dean na sinagot niya ng tango. "What is your Dad's favorite?"
"Chicken with pineapples."
Napaisip ako kung anong luto iyong manok na may pinya. Itong adobo pwede rin may pinya.
"Pininyahan, Arc. He's not that good in tagalog, remember?" Sabat ni Andrew sa usapan namin ni Dean. "Talagang pati anak tatanungin mo? What do you like about him?"
Umirap ako sa kanya. "Mabait siya 'di gaya mo seasonal ang pagiging mabait." Binalingan ko ulit si Dean. "Do you want me to cook that for you and your Dad?"
"Yes, please, Ate Arc."
Andrew knock on the table to get my attention. "Excuse me, iyong mga pamangkin ko ang alaga mo hindi silang mag-ama."
"I can multi-task, boss. Kapag kailangan ng pera lahat ng imposible nagagawa."
"How much more do you need?"
"Bakit babayaran mo?"
"Aha! Sabi ko na nga ba ganyan ka, kukunin mo loob ko tapos saka hihingan ng pera."
"Judgemental ka talaga. Labo mo kausap," sabi ko saka tumayo para palitan iyong pitsel na kaunti na lang laman. "I don't need a man to provide for me because I can work for it." I said again refilling his glass with water. "The comment about us girls treating men like a bank is not true. Maybe on some but defenitely not on me."
"Independent, strong woman, I guess?"
"Call it what you want it, boss."
"Hindi ka ba kakain? Masarap pa naman iyong luto mo na hindi ko in-expect."
"Is that a compliment?"
"No." Mabilis niyang sagot. "Kumain ka na, I'll take the twins and Dean out after this. Consider this day as your day off." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Tama naman ang dinig ko sa sinabi niya at kakalinis ko lang naman ng tainga ko. "Stop widing your eyes like that, Arc."
"Why? Because I look cute?"
"No. You look like puss in boots."
Nilakumos ko iyong table napkin saka binato sa kanya. Inirapan ko siya uli bago binalingan ang kambal pati na si Dean. Nakakatuwa na nagustuhan nilang apat ang luto ko at parang gusto ko na agawin iyong trabaho sa tiga-luto nila. Lihim ko nakiling ang ulo ko. Probably not going through that extent, stealing someone's job to gain more. Everyone needs money and I have to work for it in clean way.
Gaya ng sabi ni Andrew, inilabas niya ang kambal pati na si Dean at hindi ako kasama. Para malibang habang inaabangan sila makabalik, naglinis na lang ako. Pinalitan ko lahat ng cover iyong kama kasama na iyong nasa kwarto ni Andrew. Wala naman siya kaya pwede ako pumasok para maglinis. Doon napagtanto ko na wala naman pala lilinisin dahil maayos ang lahat at parang hindi napapasukan ng alikabok ang kwarto na iyon.
Napatingin ako sa mga picture frame na naroroon na pulos family picture. There's a photo of Andrew wearing his uniform with Dr. Addie and Sir Jio. May isa pa na kumpleto sila kasama iyong kambal at dalawa pang bata na tingin ko ay anak ni Sir Jio. They're happy in each photograph I saw there. Bigla ko na-miss ang pamilya ko, tatlong pasko ko na sila 'di kasama at natagpuan ko na lang ang sarili ko na naiyak. Kung mayaman lang talaga kami, baka hindi ko na kailangan pa na lumayo.
Kaso kailangan at wala akong ibang choice. Lagi talaga magka-akibat ang pag-ibig at sakripisyo sa lahat ng aspeto ng buhay. Malalim ako napahinga saka pinalis ang luha sa aking mga mata.
Kaya ko ito lampasan! Kayang-kaya…