MALAKAS ang kutob ni Erron na si Rynus ang nagpapakita kay Natalya at ito rin malamang ang may kontrol sa papa ni Natalya. Si Rynus lang ang kilala niyang bampira na maraming alam na mahika at kaya nitong gumaya ng mukha ng sinumang nilalang. Kinabukasan din ng gabi ay dinala niya sa CDO si Natalya at ang ina nito. Mas ligtas ito kahit papano. Nagpakaabala naman siya sa paghahanap sa lungga ni Rynus. Alam niya, hindi pisikal na katawan ni Rynus ang nagpapakita kay Natalya kundi isa lamang ilusyon upang kunin ang atensiyon ng kanyang asawa. Maaring sinusubukan ni Rynus na kontrolin si Natalya upang makuha nito pero dahil dala ni Natalya ang anak niya, may proteksiyon ito. Habang tulog si Natalya ay pinuntahan niya sa kulungan nito ang ama nito. Nakahiga sa kama ang ginoo pero alam niyang