NAGMULAT nang mga mata si Natalya nang makaramdam siya ng pamilyar na aura. Hindi siya makagalaw dahil nakagapos ng kadena ang mga kamay at mga paa niya sa mataas na pader. May salpung talampakan ang taas niya mula sa sahig. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Akala niya ay kakampi niya ang nilalang na humikayat sa kanyang puntahan ito. Naguguluhan siya. Ang lalaking nagpakilalang asawa kuno niya, pamilyar nga ito sa kanya at lalo siyang naguluhan no’ng angkinin siya nito. Pamilyar sa kanya ang pakiramdam. Hindi pa niya nakikita ang nilalang na humikayat sa kanya na pumunta roon. Pagkagising niya kaninang madaling araw ay may narinig siyang tinig na maawtoridad, inuobliga siyang puntahan ito kaya nagpumilit siyang tumakas mula sa mansiyon. Nakatakas siya dahil walang bantay ang mansi