Chapter 18

2500 Words

DINA-DIAL ni Natalya sa cellphone ang numerong nakasulat sa papel na binigay ng papa niya. Ring lang ito nang ring. Naroon na siya sa kuwarto ni Erron at nakahiga sa kama. Nang muling niyang in-dial ang numero ay may sumagot din sa wakas. “Hello? Papa?” sabi niya. “Natalya, anak,” sagot naman nito sa kabilang linya. Napaluha siya sa labis na pananabik. “Papa, ano ba ang nangyari sa ‘yo? Saan ka nakatira ngayon? Miss na miss ka na namin ni Mama,” walang prenong wika niya. Matagal bago nagsalita muli ang papa niya. “Hindi na ako babalik sa inyo,” sabi nito. Pakiramdam niya’y may tumulos na matulis na bagay sa dibdib niya. “B-bakit ho? Ano po ang problema?” nababahalang tanong niya. “Magkita tayo bukas ng gabi sa kabilang resort na katabi ng Harley’s resort. Marami akong ikukuwento sa ‘

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD