PINUNTAHAN ni Erron si Trivor sa study room. Nakatayo ito sa tapat ng sliding door patungo sa backyard. Natatakpan lang ng makapal na kurtina ang salaming pinto. May sinisimsim itong nakakopitang blood juice. Bukod so overall black attire nito, madilim din ang aura nito. “You’re dragging her in danger, Erron. Sinabi ko na bantayan mo lang siya, hindi mo kailangang magkaroon ng commitment sa kanya,” sabi ni Trivor sa matigas na tinig. “Oo, alam ko kung bakit iyan ang gusto mo. Siya ang batang ipinagtanggol mo mula sa kapangahasan ko, tama?” aniya. Hindi siya nagdalawang-isip sa ideyang iyon. Marahas na humarap sa kanya si Trivor. “Mabuti alam mo na. Kaya mo ba kinukuha ang loob niya ay para kahit malaman niya ang kasalanan mo sa kanya ay magiging mabait pa rin siya sa ‘yo?” usig nito.