BUMALIKWAS ng upo si Natalya nang magising siyang may lalaking katabi sa kama. Ang sarap ng tulog ni Erron at talagang nakayakap sa kanya, o tamang sabihin na magkayakap sila. Kinuha niya ang unan at inihampas sa mukha nito. Nakatatlong hampas siya rito bago ito nagising. “Bakit ba?” reklamo nito. Pumikit ito ulit. “Hoy lalaki! Anong ginagawa mo rito sa kuwarto ko, ha?” bulyaw niya rito. “Natutulog, hindi ba obvious?” pilosopong sagot nito. Lalo siyang nairita. Hinaklas niya ang kumot. Napatili siya nang makitang wala itong anumang suot sa katawan. Nagulat ata ang junior nito at biglang sumaludo sa kanya. Ibinalik niya ang kumot sa kahubaran nito. “Walanghiya ka talaga!” asik niya. Bumaba siya ng kama at nagsuot ng roba. Akmang hahawiin niya ang kurtinang nakatakip sa bintana. “Huwag