Biglang napawi ang tulog ni Alexa nang maramdaman ang hininga ng binata na dumadapo sa leeg nito. Agad namang naalerto si Xandre nang makitang dahan-dahang nagbukas ang mga mata ng dalaga. Ilang minuto siyang nagmasid sa harap ng dalaga, hindi niya alam kung bakit pero masaya itong pinagmasdan ang dalaga habang mahimbing ang tulog nito. “Bakit?” mahinang tanong ni Alexa sa binata. “Ahhhh, wa-wala. Balak ko sanang gisingin ka kaso nahuli ako.” utal na wika ng binata. Ang totoo'y hahalikan na sana niya ang dalaga. “Anong oras na ba?” tanong ulit ng dalaga sa binata at saka ito tumayo sa kinahihigaan. “Six thirty na ng umaga.” sagot ng binata sa dalaga. “Alam kong gutom ka na kaya nagluto na ako for breakfast natin. Lets go?” tugon pa ng binata sa dalaga tsaka inalalayang makalabas si Al