Tuwang-tuwa si Don Julio habang nilalantakan nila ni Gail ang pagkaing binili ng huli. "Mukhang napapadami ang kain ko nito, ah," natatawang saad pa ⁹atanda. "Well, mukhang balak niyo ngang ubusin pa nitong si Gail lahat ng kanyang binili," puna ni Liam sa dalawa. Natawa lalo ang matanda. "Nabawi lang naman ako, apo at besides ay masasarap itong pagkain. Bakit hindi ka kasi kumain ng marami?" hirit pa nito. "Akala ko po kasi ay kasama natin si Gretta na uubos nito?" ani Liam, parinig sa asawang panay pa rin ang kain. Awtomatikong napatigil si Gail sa pangunguya nang marinig ang sinabi ng asawa, tila ba kasi ito nagpaparinig sa kanya. "Gretta is not in the office, I sent her out," turan ng kanyang lolo. Mabilis na napangiti si Gail dahil sa pagliligtas sa kanya ng kanilang lolo. "Ho