Pagkababa pa lamang nina Gail at Liam sa malawak na garahe ng bahay ng pangalawa ay hindi pa rin maalis sa isip ni Gail na malapit na niyang hindi makita ang amo sa napipintong pag-uwi ng lolo nito. Kahit naman kasi may kasungitan si Liam ay natutuwa siyang makasama ito lalo na at kakaiba ang t***k ng dibdib sa tuwing napapag-isa sila nito. Hindi niya tuloy maiwasang silipin ito at nang makita ang guwapong mukha ay mas lalong nagpalungkot sa kanyang pakiramdam. Hindi na niya makikita ang kaguwapuhan nito at mas lalong hindi na ito makakasama. Isang malalim na buntonghininga tuloy ang kanyang pinakawalan. Bigla namang nahalata ni Liam ang pagkalumbay ni Gail, hindi niya alam kung bakit kita sa mukha nito ang lungkot. 'Siguro dahil naisturbo sa tulog nito sa ospital,' aniya sa sarili kaya