Habang lahat ay nagkakasiyahan sa loob ng resort ay hindi maiwasan ng lalaki sa labas ng tindahan ang kanyang inis sa sarili dahil wala siyang magawa upang pigilan ang mga nangyayari. "Mama, bibili ka ba o uupo ka lang diyan?" untag ng tindera sa kanya. "Ha? Sige po, bigyan niyo po ako ng isang coke at biscuit," turan na lamang niya sa tindera upang hindi siya paalisin doon. "Sige lang, Don Julio, magsaya ka na nang magsaya ngayon," usal na saad sa sarili. "May sinasabi ka ba, mama?" untag ng aling tindera sa kanya. "Ha? Ah, wala po," mabilis na turan sa mapang-usisang matanda. "Heto na ang coke at biscuit mo, dayo ka rito, no? Hindi ka ba imbitado siyan sa loob ng resort, balita ko ay may kasalan na nangyayari diyan kaya lang masyado yatang pribado dahil ang dami ng mga makabantay,"