'SH*T bakit ang tagal,' maktol ni Gail sa isipan, hirap na hirap na siyang magpigil ng kanyang utot. Lalo na at dadalawa na lang sila ni Liam sa loob ng elevator, tiyak na kapag pinakawalan ang kanina pang pinipigalan ay batid niyang wala siyang lusot. Pinagpapawisan na siya nang malapot na tumingin kay Liam na nakahawak pa rin sa kanyang baywang. 'Diyos ko, sasabog na ang bomba,' aniya sa isipan. Talagang hirap na hirap na si Gail at hindi na napigilan pang umutot at dahil sa kapipigil ay napalakas tuloy ang tunog noon. Nahiya tuloy siya sa kay Liam na tila nagpipigil sa paghinga dahil kasunod noon ang hindi kaaya-ayang amoy. Napangi tuloy si Gail at halos ayaw niyang tingnan si Liam, ramdam niyang nakatingin ito sa kanya kaya hindi na niya napigilang mapalingon sa ka-date. Nakatingin