Masigla ang lahat sa pagdating ng mga kaibigan ni Don Julio, nagtatawanan sila sa sala nang lapitan si Liam ng isang bodyguards ng don at may binulong. Napansin ni Gail ang pagkunot ng noo ng asawa saka maya-maya ay tumayo ito upang sumunod sa lalaki. Bahagya siyang kinabahan kaya ilang minuto rin ang nakalilipas ay sumunod siya sa asawa at naabutang may kausap itong babae nang biglang sunggaban ito ng halik ng babaeng kausap. Doon lang lumiwanag ang ang tingin at nakitang si Glydel ang babaeng iyon. Gusto niya sanang sugurin ito pero mukhang kaya naman na ng asawang pigilan ang babae dahil nagawa nitong itulak. Mas lalong naging kumpiyansa si Gail nang marinig ang sinabi ng asawa kaya hindi niya maiwasang mapangiti ng matamis. Nang mapansin ang mag-anak na tila gulat rin sa nangyayari