BEATRIX’S POV. “Huwag n’yo akong hawakan!” sigaw ko sa security guard na umaakay sa akin palabas ng malaking mall. “Sorry, Ma’am.” Nagmadali akong naglakad patungo sa parking area at sumakay sa bagong kotse na inutang ko. “Leche talaga!” gigil kong bulong habang pauwi ako sa condo. Hindi ko inaasahan na makikita ko si Nikka sa mall. Kung wala ang kaibigan niya, siguradong kami ang mag-aaway. “May araw din sila!” Nang malapit na ako sa condo, tumawag sa akin si Marlon. “Hello, Baby!” sagot ko. “Beatrix, puwede ba tayong magkita ngayon?” Napawi ang inis ko. “Sure, saan tayo magkikita?” “Puntahan na lang kita sa condo mo para safe.” “Okay, magdala ka ng pagkain.” “Sige, see you!” Ang kaninang inis ko ay napalitan ng saya dahil kay Marlon. Siguradong bubusugin niya ang init ng ka