SEBASTIAN’ POV. “Sir, bawal kayong pumasok sa loob,” wika ng pulis. Tumango ako bilang tugon sa kanya. Nandito kami sa bahay kung saan dinala si Nikka. Kasama ko si Noel at mga pulis. Ang sabi ng look-out ng pulis kanina, apat na bantay ang nasa labas kaya siguradong mahihirapan silang makapasok para kunin si Nikka. Nang pumasok ang mga pulis ay narinig namin ang putok ng baril. “Si Nikka!” sigaw ko. Naglabas ng baril ang bodyguard ni Noel habang nakabantay sa kanya. “Huwag kang papasok sa loob, Sebastian,” wika ni Noel. Hindi ako umimik, ngunit nang makasalisi ako, tumakbo ako papunta sa loob. “Putang ina, Sebastian!” sigaw ni Noel. Hindi ako nakinig sa kanya. Pumasok ako sa loob para hanapin si Nikka. Sunod-sunod na putok ang naririnig ko, pero hindi ako nakaramdam ng takot. Hin