Tumulo ang luha ko. “Ikaw nga…'” Lumuhod siya at binuhat ako. “Nikka, hindi mo dapat siya iniiyakan.” “S-Sebastian, akala ko nasa Amerika ka?” “Kagabi ako umuwi ng Pilipinas, hindi ko sinabi sa inyo. Tumawag sa akin si Jessica at binalita niya ang nangyari sa ‘yo. Sinundan kita dito nang malaman kong dito ka pupunta.” Umiyak ako sa dibdib niya. “Gusto kong gumanti sa kanila.” “Don’t worry, I will help you.” Bigla akong bumalik sa realidad nang magulat ako sa sigaw ng isang bata na dayuhan.” “Mom, are we in the Philippines now?” “Yes, you’ll finally see your grandparents,” sabi ng kanyang ina. Tumingin ako sa bintana habang isa-isang bumababa ang mga pasahero. I’m back! “Ladies and gentlemen, we have just landed at Ninoy Aquino Airport. For your safety, please remain seated with