ALEJANDRO’S POV. “Si Nikka ang bumili ng lupa,” wika ni Beatrix. Halos patayin ko siya ng tingin. “Ang daming puwedeng bumili sa kanya mo pa binenta.” “Hindi ko alam na siya ang bumili ng lupa.” “Hindi mo alam?” inis kong sagot. “Masyado akong natuwa dahil malaki ang presyo sa binili niyang lupa. Hindi ko akalain na siya pala ang bumili.” “You’re so stupid!” “Wow! Sino ba sa atin ang tanga? Nasunog na nga ang bagong apartment, hindi mo pa alam kung sino ang nagsunog.” I took a deep breath. “What's the point of finding the one who burned it if you've already sold the land?” “Alam mo, tama siguro ang Daddy mo.” “Don't mention my father!” “Hindi ka talaga marunong sa negosyo.” “Shut up!” “Kung gusto mong bumalik ang tiwala ng magulang at kapatid mo, balikan mo si Nikka.” “What!”