“Sino ang kausap mo?” tanong ko kay Sebastian. Napansin kong pagkatapos nilang mag-usap, bigla siyang naging tahimik. “Wala.” “Sabihin mo sa akin, baka makatulong ako sa ‘yo.” Huminga siya ng malalim. “Nikka, kilala mo ba ako?” Tumango ako. “Bakit mo naman naitanong ‘yan?” “Nikka, totoong pamilya ko ba ang kasama ko ngayon?” “Ha? Bakit mo naitanong?” The only thing he knew was that he was adopted by his family, but he didn’t know anything about his real family. “Sebastian…” “Please, Nikka, sabihin mo sa akin ang totoo?” Umiwas ako ng tingin. “Hindi sila totoong pamilya mo, pero tinuring ka nilang totoong pamilya. Isa ‘yon sa mga bagay na hindi mo naalala nang magising ka.” “Sino ang totoo kong magulang?” Tumahimik ako. Hindi ko alam kung ako ba ang dapa