"Who the f*****g hell, did this?!" di malaman ni Santiago kung maiiyak ba siya sa balitang gumulantang sa kanya. Hindi pa dapat siya uuwi dahil pagkagaling sa Bohol at sa Coron na dapat siya. Dalawang araw ang extensions na ginawa niya dahil nagkaaberya ang meeting nila ng may-ari ng enektaryang lupain. Plano niyang magkaroon ng isang tourist's place sa lugar dahil sa Chocolate Hills, at maayos na ang deal. Pero heto at may balita na sumabog sa mukha niya, na dinaig pa ang isang bomba! Halos ibalibag niya ang lahat ng gamit sa bahay sa sobrang galit. Napaiyak ang kanyang ina na kadarating lang mula sa Paris. Halos wala pang pahinga ang mga ito nang dumating siya at nagwawala. After the engagement, bumalik ang mga magulang niya sa ibang bansa para ipagpatuloy ang bakasyon. Mukhang nagsawa