Samantha A week passed. "Wala akong masabi. Ikaw na talaga ang pinakamagandang bride na nakilala ko bukod sa akin noon," ani Alliyah mula sa likuran ko kasunod ang pagtawa niya ng malakas. "Kasali rin ako d'yan. Hindi lang tayo nakita ni Sam," Chelle replied while fixing my hair. We are now in front of the mirror and they helped each other with my make-up and wearing my very pompous gown. Hindi na matutupad ngayon ang unang pinlano namin ni Dylan na simpleng kasalan lang dahil halos ibuhos niya doon ang perang dapat ay pabuya niya sa mga taong makakahanap sa akin. Ilalaan na lang daw namin iyon para sa amin at sa magiging baby namin. Though, he also gave a lot of money to the investigators who helped him at magpapakain na rin daw siya sa publiko sa isang open place. "Kayo rin naman a