Kinabukasan nagising siyang may nakadagan na mabigat sa dibdib niya. Agad niyang nakita ang malaking braso ni Gavin na nakayakap sa kanya. Lihim siyang napangiti at sinulyapan ang tulog na tulog na si Gavin. Wala siyang mapipintas kay Gavin. Lalaki ito pero may makinis itong mukha. Tanging patubong balbas lang nito ang nakikita niyang magaspang sa gwapong mukha nito. Dahan-dahan niyang hinaplos ang mukha nito, maingat siya na baka magising ito. "Gavin," anas niya habang nakahawak sa mukha nito. Napangiti siya at tumingala sa puting kisame. Inalala ang mga nangyari sa kanila ni Gavin. That was the best night of her life. She's not talking about the make love they shared. It's about she already surrendered herself to the man she truly loves. Yes, she's in love with Gavin Saavedra. S

