Napanganga sya sa sinabi ni Gavin at hindi alam ang gagawin, nanatili syang nakamata rito. Tinatantya kung seryoso ito sa sinasabi. "I want your lips on my-" Nang biglang tumunog ang cellphone nito. At hindi natuloy ang sinasabi nito sa kanya. Sinulyapan ni Gavin ang cellphone sa may mesa at muling binalik sa kanya ang mga mata nito. Andoon parin ang pagnanasa sa mga mata nito, napalunok sya. "I need to take this" sabi nito at dinampot ang cellphone. Nahihiya syang umalis sa mga hita nito at inapit ang roba sa katawan. Nakaramdaman sya ng pagka dismaya. Tila tuloy nasasanay na sya na sa tuwing nasa napaka intimate na sitwasyon na sila ni Gavin eh saka naman mauudlot. "Sabrina, Why?" narinig nyang sabi ni Gavin. Nilingon nya ito ng marinig ang binaggit na pangalan. Pangalan ng babae.