Heira's P.O.V "So may naisip ka na bang magiging pangalan ng kambal ninyong anak?" tanong sa'kin ni Phoebecate. Kasama niya si Maezy habang kumakain kami sa isang sikat na restaurant malapit sa subdivision namin. Hindi kasi pumayag si Dark na lumayo pa kami. Dahil malapit na daw akong manganak. Nagslice ng Cake si Maezy at kinain muna niya iyon. Kahit nagda-diet siya hindi niya napigilang tanggihan ang inorder ni Phoebecate na Black forest cake na talagang pinili niya yung pinakamasarap. Nawala tuloy ang pinaninindigan kanina ni Maezy na diet siya. "Gusto mo kami ang magbigay ng name sa kambal mong anak na lalaki." Sabad niya. Pinagmasdan ko sila at ngumiti ako sa kanilang dalawa. "Si Dark na lang bahalang mag-isip." Sagot ko. Hinimas ko pa ang tiyan ko habang kausap sila. Naramdaman ko

