HEIRA'S P.O.V. ILANG BESES kong hinilot ang sintido ko habang nakatutok ang mga mata ko sa harap ng computer at hinihintay si Dark i-accept ang request kong video call. Gusto ko kasing makita ang mga anak ko at siya. Nasa Amerika kasi sila John Ace, at mga anak ko kasama ang pamilya ni John Ace. Doon kasi sila nagbakasyon at hindi ako nakasama dahil may sakit si Nanay, pagkatapos my importante rin akong business meeting bukas. "Ang tagal naman niyang i-accept." Ilang saglit pa akong naghintay nang i-accept niya ang request kong video call. Bumungad sa'kin ang gwapong mukha ng asawa ko. Miss na miss ko na siya. Mahigit dalawang linggo na silang nasa Amerika. "Hippo, I miss you." Ang lapad pa ng ngiti niya sa'kin. Napangiti pa ako nang inilapit niya ang mukha niya sa screen ng computer
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


