John Ace’s POV Hindi ako halos makapaniwala sa pagtatagpo ng landas namin Heira. After four years nang huli naming pagkikita. Punong-puno pa ako ng galit noon sa kaniya. Na halos isumpa ko siya ng mga panahong iyon. Hindi ko kasi matanggap ang katotohanang ipaglaruan niya lang ako. Na kaya niyang ipagpalit kami ng anak niya kay Kingkong. Nang mga panahong iyon. Punong-puno ako ng galit sa kanya. kaya naman kahit ang anak namin pinagkait ko sa kanya. Pakalipas ng isang buwang pananatili namin ni Jeyrin sa Amerika. Agad akong bumalik sa pilipinas na kasama ang anak ko. Dapat sana makikipag-ayos ako kay Heira. At muli naming bubuuin ang pamilya namin. Pero huli na pala ang lahat… dahil pagbalik ko wala na si Heira sa pilipinas. Sumama na siya kay Khyzzer. Nakaramdam ako ng galit. Pero sa hul

