Heira’s POV NAMIMILOG ang mga mata ni Phoebecate ng makita niya ako sa harap ng bahay nila. “Bakla ikaw ba yan?” halos hindi makapaniwalang tanong sa’kin ni Phoebecate. Tumango ako at ngumiti sa kanya. “Nag-iisang dyosa sa ating tatlo.” “OMG!! Heira! Gosh!ang ganda mo na ngayon! I can’t believe it. Noon kamukha mo si Bebang ngayon! Ka linya mo si I.U ang kpop singer. Ganda ng improvement mo.” Napangiwi ako. Kainis talaga itong si Phoebecate kung makapanglait quota. “Kamusta ka na Phoebe? Pwede na ba akong pumasok sa loob ng bahay nyo?” “Ayy! Sorry! Ito naman kasi masyado akong na natulala sa ganda mo. Grabe! Sabihin ko nga kay Zach dalhin ako sa Amerika or kaya sa Korea ng maging dyosa lalo ako.” “Ang daldal mo!” umupo ako sa mahabang sofa nila Phoebecate. Tumabi siya sa’kin. “

