Heira’s P.O.V. “A-atee!!” hingal na hingal ito nang marinig ko ang boses niya. Nakaramdam ako ng kaba. “B-bakit Hairu?” “A-ate T-tulungan mo ako may humahabol sa’kin.” “Nasaan ka! Sino ang humahabol sa'yo Hairu!” “A-ate! Tulong! Papatayin nila ako!” umiiyak na sabi ni Hairu. Kusang tumulo ang luha ko. “ Hairu nasaan ka! Pupuntahan kita!” “A-ate nakilala ko ang pumatay kay Jeyrin.” “Sino Hairu! Hairu!” “A-ateee!!” “Hairuu!!” halos sumigaw ako nang marinig ko sa kabilang linya ang sunod-sunod na putok ng baril. Nanginginig ang buong kalamnan ko. Habang umaagos ang luha ko. PAULIT-ULIT na sumasariwa sa’kin ang naging huling pag-uusap namin ng kapatid kong si Hairu. Halos mabaliw ako nang matagpuan na lang siyang malamig na bangkay. Limang tama ng baril ang tinanggap niya sa hindi p

