Part 12: Babala ng Portal

2086 Words

Part 12: Babala ng Portal YBES POV "Ayos ka lang ba?" ang tanong ni Seth noong makita niya akong nakatayo sa balkunahe ng aming palasyo. Nakaharap ako maliwanag na kapaligiran sa kailaliman ng gabi. Yumakap siya sa akin mula sa likuran at hinalikan ang aking tainga pababa sa aking leeg. "Bakit gising ka pa? Akala ko ba ay masakit ang ulo mo?" tanong ko naman. Humarap ako sa kanya at yumakap ng mahigpit dito. "Hindi ko nga alam kung dala lang ba ito ng labis ng pag-aalala," ang wika niya habang nakangiti. Dati pa rin ang mukha ni Seth, hindi ito nagbabago. Gwapo pa rin at lumaki lang ng kaunti ang kanyang katawan. Naging mas matikas, mas matipuno, bagay na bagay sa isang makapangyarihang hari ng Manlikmot. At ako naman ay ang kanyang kabiyak na parating nakasuporta sa kanyang desisyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD