Part 44: Muling Pagtatagpo ENCHONG POV Isang linggo ang nakalipas, naging maayos ang mga taga Apresia sa hilagang bahagi ng aming kaharian, doon ay payapa silang namumuhay dahil normal at maganda ang klima dito sa Kailun. Dito muna sila pansamantala habang hindi pa maayos ang kalagayan sa kanilang lupain. At bilang proteksyon sa kanilang mga kubol ay naglagay si Miguel ng isang gintong barrier sa paligid ng kanilang pwesto. Ang mga tent kasi nila ay madaling masisira sa mga ulan o sa mga pag atake ng mga hayop sa kakahuyan lalo na kapag gabi at sila ay natutulog. Kaya naman mayroong barrier sa buong paligid, saklaw nito ang itaas na parang isang malaking kahon upang makatiyak ang lahat sa loob ay maayos. Ang barrier ay sa gabi lamang nakikita na animo gintong ice cube, sa umaga ay nagi

