Part 40: Sagradong Manlikmot YBES POV Hindi ko na maipaliwanag ang pangyayari ngunit batid kong nagtagumpay si Seth! Nakuha niya ang puso ni Viento. Ngayon, kahit paano ay may laban na kami sa parating madugong digmaan. Gayon pa man ay nagtagumpay akong pigilan si Nicolo ay madelay ang kanyang pagpasok sa pintuan at makuha ni Seth ang oras na kailangan niya. Sa isang alulong ni Seth ay tumilapon palayo si Nicolo at nabitiwan niya ang aking duguang katawan sa lupa. Kakaiba na ang anyo ni Seth ngayon, nakakasilaw ang gintong liwanag sa kanyang katawan, napakasagrado ng kanyang anyo. Idagdag pa ang kulay pulang kalasag na mala Japanese samurai armor at mula sa kanyang kamay ay lumabas ang isang espada na kulay pula rin ang talim. Lumapit sa akin si Seth at dinala ako sa sulok, “salamat, a

