Part 26: Korona DEVON POV "Ano pa bang kailangan mo Ogre? Shrek! At para sabihin ko sa iyo di ako mahilig sa mga daddy type!" ang tanong ni Santi kay Nicolo. "Wala akong kailangan sa inyo mga uhuging daga! Ang pakay namin ay siya!" ang sagot nito sabay turo sa akin. "At ang pakay ko naman ay ikaw! Gusto kong pumatay ng heneral ngayon!" ang wika ni Gaia kay Yul sabay dila sa talim ng kanyang espada. "Hindi mo isasayad ang daliri mo kay Heneral!" ang singhal ni Rafael sabay taas sa kanyang hawak na sibat at dito ay sila na mismo ni Michael ang umatake dito. "Alam niyo wala naman talaga akong ganang labanan kayong dalawa, nakakaboring ang inyong lakas," ang wika nito habang umiiwas sa mabilis na pag atake ng dalawa. "Bakit puro ka yabang?" tanong ni Michael sabay pakawala ng gintong lat

