Part 36: Si Oven, Ang Diyosa ng Bulaklak OVEN POV "Natatakot ako Niko," ang usal ko habang papasok kami sa Floral Land. "Ha? Bakit naman?" tanong niya sa akin. "Dahil baka ayaw sa akin ng parents no, baka di nila ako feel," ang wika ko dahilan para matawa siya. "Ano ka ba, ilang beses ko nang sinabi sa iyo na wala na akong mga magulang diba? Ikaw talaga ang hilig mo kasi magsulat ng mga ganyang cliche at palasak na plot kaya kung ano anong naiisip mo," ang wika ni Niko sabay senyas na buksan ang tarangkahan sa kanyang kaharian. Kahit asawa ako ni Niko ay hindi pa masyadong napupunta dito sa Floral Garden, madalas kasi ay doon lang kami sa labas ng kaharian dahil hindi pa si Niko hari noon. Iyon nga lang ay nagbago ang lahat sa amin noong maging pinuno siya ng mga Floral Gods dahil na

