Pagka-shower ang unang ginawa ni Crisma nang makapasok siya sa silid, pagkatapos ng engkwentro nilang iyon ni Erik. Paano na? Konti na lang ay malalaman na ng lalaking 'yon na siya si Crisma? Anong gagawin niya? Hindi siya mapalagay habang pinapatuyo niya ang buhok sa puti niyang twalya, nate-tense siya. Hindi pwede? Hindi pwede na malaman agad ni Erik na siya si Crisma? Dapat makaganti siya muna rito?! Nagbreathe-in. Nag breathe-out siya. Kailangan niyang payapain ang sarili para nakaisip siya ng paraan. Subalit wala pa rin talaga siyang maisip. Urgh. "Jharace? Eneng? Iha?" Mayamaya ay nadinig niyang katok sa pinto ng nanay niya. "Lumabas ka muna riyan at tayo'y manananghalian na." Nakagat niya ang lower lip niya. Ayaw pa sana niyang lumabas. Ayaw pa sana niyang makita ulit ang Erik

