Napanganga ang lahat sa bagong classmate nila. Kulot ang buhok at ang itim kasi ng balat.
"Goodmorning classmate! My name is Crismafel Fugata! I'm from Pampanga! I'm kind and--" Natigilan si Crisma dahil naghagikgikan ang mga magiging kaklase niya. Maliban sa isang lalaking nakaupo sa dulo. Seryoso lang itong nakatingin sa kanya habang nakahalukipkip.
"Class! Quiet!" saway ng prof nila sa mga magiging kaklase niya. "Crisma, continue!"
Pero parang nahiya na siya. Pinasadahan niya ng tingin ang mga magiging klase niya, ang gaganda nila at ang aayos ng mga hitsura kaya lang parang masasama ang mga ugali dahil mukhang pinagtatawanan siya. "Yun na lang po, ma'am," at sabi nalang niya sa prof.
"Okay. Thank you, Crisma. Sige umupo ka na."
"Thank you, ma'am."
"She's like a monster!" dinig niyang komento sa kanya ng isang kaklase.
Tiningnan niya ito ng masama at umaktong monster. "Monster pala ha?!" saka iningusan niya. Natakot sa'kanya ang kaklase. Naalala niya ang sinabi ng kanyang Nanay na 'wag siyang magpapaapi kahit ganito ang hitsura nila.
Lahat ng bakanteng upuan ay parang ayaw sa kanya ipaupo, ayaw siyang maging seatmate.
No choice siya kundi 'yung nasa bakanteng upuan sa may dulo siya uupo. Makakatabi niya ang seryosong lalaking kanina pa nakatingin sa kanya, na parang kontrabida ang dating, ang yabang kasi ng hitsura. Parang gangster. Actually parang kilala niya nga ang lalaki, eh, pero hindi niya lang maalala kung san niya ito nakita.
Papunta na siya roon pero may umawat sa kanya. "Dito ka na lang umupo," alok sa'kanya ng matabang studyante pero cute. Hinawakan pa nito ang isang braso niya.
"Pero, Shaine, ayokong makatabi ang isang ..." ngiwing angal ng katabi ng matabang studyante, tiningnan siya nito mula ulo hangang paa. "Ng isang negra!"
"Crisanta'ano ka ba?! Kaysa naman do'n sya umupo kay Erik! Paktay siya!" saway ni Shaine kay Crisanta.
Napatingin si Crisma sa lalaki na Erik pala ang pangalan. Well, sa tingin naman niya ay 'di siya nito kakainin ng buhay.
"Sige, okay lang. Doon na lang ako. Salamat, ha?" sabi niya sa Shaine ang pangalan tapos ay tiningnan din niya ng masama 'yung Crisanta ang pangalan, maputi nga puro naman tigyawat ang mukha.
Akmang hahakbang na siya pero pinigilan pa rin siya ni Shaine.
"Hindi dito ka na lang," pilit nito.
"Do'n na lang ako," pilit din niya at baka maupakan pa niya si Crisanta.
Bumulong sa kanya si Shaine. "Delikado 'pag nakiupo ka kay Erik."
Napatingin ulit siya sa lalaking tinutukoy ni Shaine. Mukha nga itong suplado at nag-uupak ng tao pero hindi naman siya takot. Mas takot pa nga siya sa mukha niya kapag humarap siya sa salamin, eh.
"Bakit naman?!" pabulong din niyang tanong.
"Basta! Dito kana lang, okay?"
Pinaupo na siya ni Shaine. Wala na siyang angal kahit ayaw niya sanang makatabi si Crisanta.
Ngumiti sa kanya si Shaine. Sabagay mukhang magiging kaibigan niya si Shaine dahil kahit mataba ito ay mabait naman yata.
"Alam mo kasi, ayaw ni Chloe na may tumatabi kay Erik, maganda man o..pangit," bulong ulit sa kanya ni Shaine.
Napangiwi siya. Wow naman kasi! Ipagdiinan ba naman 'yung pangit, tagos hanggang matris ha?! Pero nahiwagaan siya sa sinabing pangalan ni Shaine. "Sino'ng Chloe?" kaya naman ay usisa niya.
May inginuso si Shaine. Sinundan niya ito ng tingin at isang magandang babae na kaklase rin nila ang nakita niya at panay ang pa-cute do'n sa tinatawag nilang Erik. Napalabi siya. "Gf niya?"
"Parang gano'n," sagot ni Shaine.
"Anak 'yan ng Dean kaya mag-iingat ka sa kanya," sabad sa kanila ni Crisanta. "Siya ang pinakamaganda rito sa campus kaya tumabi-tabi ka 'pag dadaan siya dahil baka mahawa siya sa'yo."
"Wow! Kung makapagsalita ka, eh, parang ang ganda mo, ah? Bilangin ko kaya 'yang tagyawat mo sa mukha?" patol na niya kay Crisanta.
"Eh, ikaw parang uling na ginawa lang tao!" subalit hindi rin magpapatalo si Crisanta.
Natatawa na lang si Shaine sa kanila. "Tama na 'yan, magsisimula na ang klase!" awat niya sa dalawa.
Tumahimik na siya. Hindi na niya pinapansin si Crisanta.
Pero napalingon siya kay Erik, tapos ay kay Chloe. Parang deadma lang naman si Erik sa pagpapa-cute ni Chloe, eh. Parang walang pakialam si Erik kay Chloe.
Paano nangyari 'yon?......