PART 14

812 Words

Nagulat si Crisma nang biglang bumukas ang apartment na inuupahan daw ni Erik Raneses. Kahit na hindi pa niya isinusuksok sa doorknob ang susing binigay sa kanya ng binata kahapon bago siya hinatid sa bahay ni Miss Juliet. Nagulat pa si Erik kahapon dahil idol daw nito ang news anchor na nagmamay-ari ng bahay na iyon, at mas nagulat ito nang sinabi niyang pinag-aaral siya ni Miss Juliet. Gano'n nga pala talaga kasikat ang Ate Juliet niya, wala siyang kaalam-alam, kaya ngayon ay proud na siya. Syempre! Sumungaw sa siwang ng pinto ang ulo ni Erik. Akala ba niya may practice ito ngayon sa basketball? Ano't nasa apartment pa rin ito? "What took you so long?!" busangot ang mukha na tanong ng binata. Niluwangan nito ang pagkakabukas ng pinto para makapasok siya. Tinulak pa siya konti. Lokong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD