KUMISLOT si Rhomz nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na nasa bulsa ng suot niyang scrub suit. Dagling dinukot niya ang cellphone saka sinagot ang tawag. “Hello? Yes, darling?” sagot niya. Mabuti na lang katatapos lang ng physical therapy niya sa pasyente. Pumasok na siya sa locker room para kunin ang gamit niya. Iniwan ng caller ang linya na naka-hang kaya pinutol niya ang tawag. Pumitlag siya nang may mga kamay na sumampa sa balikat niya. Marahas siyang pumihit sa kanyang likuran. Tulalang nakatitig siya kay Darwin na may hawak na pulang kahon na mayroong puting laso at sa kabilang kamay nito ay punpon ng pulang rosas. “Happy birthday!” nakangiting bati nito. “Oh, thank you!” nagagalak na sabi niya. Tinanggap niya ang regalo nito maging ang halik nito sa pisngi niya. Masaya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books