Ate Andreianna waited us to prefer myself and Kurt. Pareho kaming nasa loob ni Kurt habang s'ya ay nasa labas kasama ang boyfriend n'ya. Inayos ko ang itsura ni Kurt. Mukha naman wala 'tong pakielam sa nalaman n'ya kanina pero kinakabahan pa rin ako. "Your ex is here." Tumango lang s'ya sa akin. "Kung ano man ang desisyon mo? Masaya ako doon." Kumunot ang kan'yang noo saka tumango sa akin. Hindi ko alam bakit kinakabahan ako ng ganito. Siguro nga, ayos lang din na bumalik 'to sa kan'ya dahil mas maaalagaan nito si Kurt. Ibibigay ko pa rin naman ang mga mata ko kahit ano mang yari. Kahit hindi na ako ang piliin n'ya ay handa pa rin ako ibigay sa kan'ya ang mga mata ko. Isang tee-shirt na fitted na green ang pinasuot sa akin ni Ate Andreianna saka isang shorts na hanggang kalahati ng hit