Naiwan si Kurt sa bahay habang kami naman ni Ate Andreianna ay pumunta ng mall. Si Samuel ay nasa bahay din, ang dalawa na si Ate Sam at Trias ay may trabaho din. Hindi sana ako sasama dahil nahihiya ako sa kan'ya pero pinilit n'ya ako. Wala akong choice kung hindi sumama dito sa pag alis. I am wearing a red plain sleeveless dress na hanggang ibabaw ng hita. Hindi ko sinabi kay Kurt ang suot ko dahil hindi naman s'ya nag tatanong about doon. Basta pinaalam na lang ako ni Ate Andreianna na umalis at pumayag naman s'ya agad. Isang driver lang ang kasama namin at naiwan sa labas. Med'yo nahihiya ako sa suot ko dahil eto ang unang beses ko mag suot ng ganitong damit. Halatang mamahalin pa at kahit ang sandals ko three inches ay halatang mamahalin. Hawak hawak ni Ate Andreianna ang kamay k