"Dito ka na lang kumain ng hapunan ha?"
"Bakit?"
Inayos ko ang mga damit n'yang bagong laba at saka pinasok sa loob ng kan'yang closet. Hindi ko maiwasan mapahanga sa ganda ng close n'ya. Kulay din ng kan'yang mga mata ang loob ng closet n'ya.
Inayos ko na isa isa 'to at saka lumabas. Tumingin ako sa bintana ng kan'yang kwarto. Malakas ang ulan pero hindi rinig sa loob ng kan'yang kwarto. Pero nakikita mo sa salamin ng kan'yang bintana ang lakas.
"Malakas ang ulan." sabi ko sa kan'ya at saka pumunta sa bintana.
Wala namang bagyo pero bakit ang lakas ng ulan? Huminga ako ng malalim at saka tumingin sa kan'ya.
May kumatok sa loob ng pinto ng kwarto ni Kurt at agad kong pinuntahan 'yun. Nagulat ako ng may nakita akong lalaking naka formal ang suot. Pumasok agad 'to sa loob at saka pumunta sa tabi ni Kurt.
"Sir. Andito na po ako,"
"Keithryn, he's my secretary. He's the one who will take you in school also fetch you," nagulat ako sa sinabi nito. "Kasama akong susundo at mag hahatid."
"H-Hindi naman kailangan. Saka may mga trysikel---"
"I don't take no, Keith. Ako bahala sa'yo at nasa bahay kita." hindi na ako sumagot dito. "Malakas ba ang ulan?"
Sasagot sana ako pero hindi pala ako ang kausap nito. "Hindi gaano, Sir. Medyo humina na." magalang na sagot nito.
"Good. Kailangan natin pumunta ng walter para makabili ng gamit ni Keithryn sa Monday," tumango ang secretary nito.
"Ihahanda ko lang po ang sasakyan, Sir."
Yumuko 'to at saka umalis sa tabi ni Kurt. Pinanood ko 'to umalis at saka pumunta sa tabi ni Kurt.
"Bibili tayo ng gamit ko?"
Tinaas nito ang kan'yang kamay at nagulat ako ng haplusin nito ang pisnge ko. Dahan dahan ang kan'yang haplos sa pisnge ko.
Sobrang bilis na naman ng t***k ng puso ko.
"Oo. Hindi ka naman pwede pumasok ng wala kang gamit," napatango ako dito.
Nagulat ako ng kapain nito ang labi ko. Napaawang ang labi ko habang hinahaplos nito ng kan'yang daliri.
Hinawakan ko ang kamay nito at saka inalis sa labi ko. Mabilis akong lumayo sa kan'ya at huminga ng malalim.
Hindi, Keith. Bawal. Wag na wag ka mahuhulog. Hanggang dito ka lang dapat. Hindi ako pwede mahulog sa kan'ya dahil hindi kami pwede.
Dapag ko isipin ang gusto ni Tita Stevie. Alam kong hindi n'ya ako gusto sa anak n'ya dahil nag dahilan s'ya na ikakasal ang anak n'ya sa girlfriend nito.
Huminga ako ng malalim.
"Mag aayos lang ako para makaalis na tayo," nakangiting sabi ko dito.
Agad akong lumabas ng kan'yang kwarto at hindi ko hinintay ang kan'yang isasagot.
Pumasok ako sa kwartong tinutuluyan ko. Agad akong kumuha ng leggings at okay na siguro ang pulang tee shirt ko.
Pinusod ko na isang side ang buhok ko. Dinilaan ko ang ilalim ng labi ko. Lumabas na ako ng kwarto at saka pumasok sa loob ng kan'yang kwarto.
"Tara na?"
Hindi naman na n'ya kailangan mag palit dahil ang gwapo n'ya na sa suot n'ya.
"I should change."
"Huh? Bakit? Okay ang suot mo. Gwapo ka sa suot mo!" masayang sabi ko sa kan'ya.
"Totoo?"
"Oo. Hindi mo na kailangan mag palit."
Isang black shorts na cotton ang suot n'ya na hanggang sa ibabaw ng tuhod at isang green tee shirt. Kahit na hindi n'ya mag suklay at gulo gulo ang buhok n'ya ay nag mumukha pa rin s'yang modelo.
Hinawakan ko na ang kan'yang kamay at saka inalalayan pababa ng kama. Agad kong ko kinuha ang kan'yang kamay para ilagay sa balikat ko.
Pero agad din n'ya tinggal at nilagay sa baywang ko.
"Mas okay kung dito---"
"Mas gusto ko dito."
Hinayaan ko na lang s'ya sa gusto n'ya. Nag lakad kaming dalawa palabas ng kan'yang kwarto. Normal lang ang kan'yang lakas na para bang hindi bulag.
Bumaba na kami ng hagdan at saka dumiretso agad palabas.
May konting ambon kaya naman tumakbo agad sa amin ang Secretary ni Kurt para payungan kami. Nag lakad kami papunta sa sasakyan at saka pinauna s'ya.
"Ikaw mauna."
Agad ko 'yun sinunod at saka pumasok sa loob. Pumasok na din s'ya at saka hinawakan ang kamay ko.
Kinuha ko ang Sun glasses at saka sinuot sa kan'ya.
"Do I need this?"
"Yep. Maraming judgmental na tao kaya dapat suotin mo 'yan," tumango s'ya sa akin.
Sumulyap ako sa bintana para tignan ang bahay namin.
May mga taong nakatingin sa kotse na sinasakyan namin. Nakita ko din ang pag labas ng Step Mom ko habang pinapaypayan ang sarili.
Umandar na ang sasakyan at saka tumingin na ako kay Kurt na ngayon ay tahimik lang. Hawak hawak nito ang kamay ko.
Hihahin ko sana ang kamay ko pero humigpit ang hawak nito sa akin kaya naman hinayaan ko na. Tahimik lang ako pinanonood ang mga lugar na dinadaanan namin.
Sa balante kami dumaan para mag- highway. Maganda ang tanawin dito lalo na kung nandoon ka sa parte na walang bahay.
Pinanood ko na ang tanawin sa labas. Nakangiti ako at inaalala ang magagandang memorya namin ni Mommy dito.
Dito kami tumatakbo ni Mommy sa umaga kasama si Daddy. Dahil walang gaanong dumadaan, masarap ang hangin at maganda ang view.
Mabilis lang kami nakarating ng walter. Nauna s'yang bumaba at sumunod agad ako. Hinawakan n'ya agad ang baywang na kinagulat ko.
Dapat ha ako masanay sa ganito? Hindi ko alam bakit ganito s'ya sa akin na hindi naman dapat.
Nasa likod namin ang secretary n'ya. Diretso ang lakad namin papuntang National book store. May iilan pang napapatingin sa amin dahil kay Kurt.
"Sa robinson tayo bumili ng bag mo,"
"S-Sige," nahihiyang sabi ko dito.
"You should bough a catleya notebook also two exta notebooks," agad kong sinunod ang gusto n'ya.
Kumuha din ako ng ballen. Dalawang black at isang red ang pinili ko.
Pumunta din kami sa yellow paper at saka kumuha ng isang pad.
Pumunta na kami sa counter at saka nag bayad. Ako sana mag babayad pero inunahan ako ng Secretary ni Kurt.
"Hala, ako na!" nahihiyang sabi ko.
"I can pay, baby." napatingin ako kay Kurt.
"Oo! Kaya ko din naman mag bayad---"
"Ako gagastos. Itabi mo na 'yang pera mo."
Alam kong barya lang sa kan'ya lahat na 'to pero nakakahiya pa rin. Lumipat na kami sa taas at agad pumunta sa Robinson para bumili ng bag.
"One of most expensive bag."
"Huh?"
Biglang lumapit ang secretary ni Kurt sa isang babae para lang sabihin ang gusto ni Kurt. Hawak hawak pa rin ako nito at mukang wala na akong magagawa sa gusto nito.
"High waist pants, Twenty five size, five pcs." hindi ko na alam ano pa sinasabi ng Secretary ni Kurt dito. Dahil lahat ng sales lady ay kumikilos.
"Chill, hayaan mo na s'ya kumilos."
Wala na akong nagawa. Pinaupo kami ni Kurt sa isang malambot na upuan habang hinahanda ang mga pinabili nito.
"How did he know that I am size twenty five?" I asked him.
"I told him." pinisil nito ang baywang ko na kinagulat ko. "You like highwaist?" tumango ako dito.
Walang uniform ang Gcc kung hindi white tee-shirt at pants lang.
May dumating din iba't ibang sapatos at sandals.
"HIndi mo naman kailangan gawin 'to---"
"Shhh. I want you to be comfortable in your first day, okay?" napabuntong hininga ako dito.
Mukhang wala na akong choice. Sinukat ko ang mga binibigay nila sa akin sapatos. Dalawang Shoes at dalawang sandals ang binili nito sa akin. Sinukat din ang mga fitted tee- shirt na puti.
Maraming binili at iba't ibang kulay na pants. Wala na akong nagawa kung hindi tanggapin lahat 'yun.
"Thank you." mahinang sabi ko dito.
"I will buy Greenwich, okay? Para may kainin tayo sa kwarto," med'yo malambing ang kan'yang boses sa akin.
"Sige para hindi ka na din bumaba." ngumiti 'to sa akin.
Inayos na lahat ng pinamili namin. Dadalin ko sana ang iba pero may tagabuhat kami hanggang sa labas. Ang Secretary ni Kurt ay lumiko para bumili ng pag kain namin.
Kaya naman nauna kami sa loob.
"Make it deliver in my house. Sisikip ang loob ng kotse kung ilalagy pa dito 'yan."
Mabilis bumalik ang Secretary ni Kurt. Nag patawag pa 'to ng trysikel driver para lang isunod sa amin ang mga binili.
Kaya naman nang nadoon kami sa harapan ng bahay nila Kurt ay nasa amin agad ang mga mata. Inalalayan ko 'to papasok sa loob.
"Ang swerte ni Keithryn baka maging boyfriend n'ya pa 'yan. Mabait na bata at maganda pa naman 'yan si Keithryn," napabuntong hininga ako sa mga naririnig ko.
"Dapat talaga gano'n na lang. Ilang taon nag hihirap ang bata sa bahay nila mismo. Walang hiya kasi ang pangalawang ina n'yan," hindi ko gusto pinag-uusapan nila.
Binilisan ko na ang lakad ko para hindi na marinig ang mga sinasabi ng mga kapit bahay.
"Wag na kayo mag luto para sa amin. Mag luto na lang kayo ng para sa in'yo," sabi ni Kurt dito.
Dumiretso na kami sa hagdan at saka agad pumasok sa loob ng kan'yang kwarto.
Binaba ko s'ya sa kan'yang kama. "Mag papalit lang ako ha?"
"Bilisan mo."
Mabilis akong lumabas ng kan'yang kwarto ay kumuha ng isang short na hanggang sa ibabaw ng tuhod ko.