Chapter 4
"Ehem"
Nag-ubo-ubuhan si Karen upang kunin ang atensyon ni Nathan dahil nakakabingi na ang katahimikan sa loob ng kanyang kotse. Ito ang nagmamaneho papunta sa abuela ni Pia at pinasamahan siya nito sa binata.
Nagpapasalamat naman siya dahil pumayag itong samahan siya.
Tumingin ito saglit sakanya bago muli tumingin sa kalsada at tahimik itong nagmaneho. Smooth at maayos itong magmaneho ng kotse kaya naman kampante lang rin si Karen na hindi sila mapapahamak kung ito ang magmamaneho para sakanya. Hindi katulad ng paraan ng pagmamaneho niya ay parang palagi siyang biyaheng papuntang langit. Kaskasera nga daw siya sabi ni Pia ng minsang maisakay niya ito sa kanyang kotse.
"Ganyan ka ba talaga katahimik papi Nathan?" Hindi na niya matiis basagin ang namamagitang katahimikan sa pagitan nila
Dalawang oras kasi ang biyahe nila papunta sa Laguna kung saan naroon ang mansyon ng abuela ni Pia na si donya Corazon.
"Hindi ka ba talaga pala-salita?" Tanong pa niya ulit dahil tila hindi nito naririnig ang kanyang sinasabi
"Wala naman akong gustong sabihin" Suplado nitong sagot sakanya
Bahagya siyang nasamid sa sinabi nito. Napaka-straight forward talaga ng lalakeng ito
Kung ibang lalake lang siguro ito ay baka mabilis na siyang naturn off sa ugali nito ngunit ang hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang maturn off sa lalake bagkus ay mas lalo pa itong gumagwapo sa kanyang paningin
Pakiramdam niya mas bumabagay pa dito ang pagiging suplado nito sakanya.
Tumingin siya sa kanyang rolex watch na regalo ng kanyang bunsong kapatid na si Cody. Mahilig magregalo ang kapatid niya ng mamahaling mga gamit sakanya kaya hindi na niya kailangan pang bumili. Marahil alam rin ng kapatid niya na hindi talaga siya bibili ng mga luxury things dahil hindi niya nakasanayang bumili ng mga ganoong bagay. Nanghihinayang siya sa milyones niya.
Mas gusto ni Karen bumili ng mga investments at tumulong sa mga mahihirap. Marami silang charity na tinutulungan mula pa noong high school sila ng kanyang kapatid na si Cody.
"Ang sungit mo naman sakin. Wala naman akong natatandaang nagawa kong masama sayo ah?"
Napatili siya ng mapa-preno ito dahil sa kanyang sinabi.
"Ayy! Butiki!" Tili niya at napahawak siya sa kanyang dibdib. Akala niya ay naaksidente sila dahil sa biglaang pagpreno ni Nathan sa kotseng sinasakyan nila
Matalim itong tumingin sakanya. Bakit parang naiinis ito?
Napalunok tuloy siya
"M-May nasabi ba akong mali?" Nagtatakang tanong niya
Ngunit bumuntong hininga lang ito at kunot nuong nagmaneho na muli.
"Mas mabuti pa ma'am tumahimik nalang rin kayo para mas maayos ang maging biyahe natin" Masungit nitong sabi sakanya
"K-Kalerky.." Iyon lang ang nasabi niya bago niya pinakalma ang kanyang sarili. Nasasaktan kasi siya sa paraan ng pagsasalita ni Nathan sakanya
Napa-nguso nalang siya at walang nagawa kundi tumahimik nalang. Nahihiya rin naman kasi siyang makipag-usap dito dahil parang ayaw naman siya nitong kausapin.
Pinagmasdan nalang niya ang tanawin sa labas ng bintana habang tahimik silang bumabiyahe. Ngunit ilang minuto lamang ay nakaramdam na siya ng pag-kulo ng kaniyang tiyan. Naalala niyang hindi pa nga pala siya nakakapag-lunch dahil sa biglaang pagdating ni Pia at Nathan sa kanyang dress shop ay nakalimutan na niyang kumain ng kanyang tanghalian.
"N-Nathan pwede bang kumain muna tayo?" Nahihiyang tanong niya sa binata
"Okay" Maiksing sagot nito at hindi man lang siya tinatapunan ng tingin
"Kapag may nakita kang fast food o karinderya tumigil muna tayo"
Bahagya naman napataas ang kilay ng binata. Para bang nagtataka ito sa kanyang sinabi.
"Bakit?" Tanong ni Karen kay Nathan ng mapansin niya ang reaksiyon nito
"Nagulat lang ako dahil marunong palang kumain ang isang Karen Hoffman sa mga fastfood at lalo na sa karinderya" May iritasyon siyang nahimigan sa tono ng boses nito
"Aba oo naman no! Matagal na. Mas masasarap pa nga ang tinda sa mga karinderya kaysa sa mga fancy restaurant na kinakain ko eh. Naalala mo ba nung nag dinner tayo? Tatlong pirasong hipon lang iyon at nilagyan ng dahon na pina-ikutan ng itlog pero napakamahal na ng presyo. Samantalang sa karinderya unli kanin na at unli sabaw pa!"
Hindi naman kumibo si Nathan habang nagsasalita siya.
"I don't believe you. Baka sinasabi mo lang yan para magustuhan kita?" Mayabang na tanong ni Nathan at para bang may malalim talaga itong galit sakanya na hindi niya maintindihan kung ano bang nagawa niya sa lalakeng ito
"Kalerky ka naman. Hindi no! Tangap ko namang ayaw mo sakin. Isang daang beses mo na nga sinabi sakin diba?" Medyo mataray niyang sagot kay Nathan dahil nasasaktan na siya sa pagiging suplado at digusto nito sakanya
"Sa pagkakatanda ko ikaw ang pinakamapiling babae sa balat ng lupa." Mahinang sambit ni Nathan ngunit hindi na niya iyon narinig dahil sobrang hina lang ng sinabi nito
"Ano? May sinasabi ka ba diyan?" Pagsusungit na rin niya dahil nagugutom na siya
Kumunot lang ang nuo nito at hindi na kumibo.
Mayamaya pa ay itinabi na nito ang kotse sa isang karinderya na kanilang nadaanan.
May pilyong ngiti sa mga labi at mata nito ng tumingin ito sakanya. Dahil alam nitong hindi siya papayag na kumain sila doon. Ngunit nawala ang ngiti nito ng makitang nakangiti rin siya habang nakatingin sa karinderya
"Kalerky! Mabuti naman at may karinderya dito! Gutom na gutom na talaga ako eh!" Nauna pa siyang bumaba ng kotse at iniwanan na niya sa Nathan sa loob dahil gutom na gutom na talaga siya
Kunot nuo namang lumabas ng kotse si Nathan.
"Napakasungit ng gwapong to. Pero bakit lalong gumagwapo habang nagsusungit?" Sambit ni Karen sa kanyang sarili habang nakatingin siya sa nakasimangot na binatang kakababa lamang sa kanyang kotse samantalang nakaupo na siya sa isa sa mga bangkong kahoy sa loob ng maliit na karinderya
Pinagtitinginan nga siya ng mangilan-ngilan na customer sa loob ng karinderya dahil nakikilala siya ng mga ito.
Sino ba namang hindi makakakilala sakanya? Sikat na sikat ang pamilyang pinag-mulan niya. Higit sa lahat sikat naman talaga siya dahil isa siyang tanyag na fashion designer sa buong Pilipinas.
"Si Karen Hoffman iyon hindi ba?" Bulong ng isang babaeng kumakain sa loob ng karinderya
"Ay oo nga ano? aba't sobrang ganda pala sa personal. Anong ginagawa niya rito?" sabi naman ng katabi nito
"Hindi ko alam. Tara magpa-litrato tayo mamaya? Mukhang mabait naman eh dahil pala-ngiti"
Nginitian niya lang ang mga ito at kumaway pa siya sa mga ito. Lalo naman natuwa ang mga ito at naglakas loob na lumapit sakanya
"Miss ikaw si Karen Hoffman diba?" Nakangiti at nahihiyang tanong sakanya ng tatlong babaeng lumapit sa kanyang kinauupuan
"Opo ako nga po" Nakangiting sagot niya.
"Ay naku miss ang ganda ganda mo sa personal! Pwede po ba kaming magpapicture sayo?"
"Oo naman!" Pagpayag niya agad sa mga ito
Masaya naman nakipag-selfie ang mga ito sakanya
Samantalang nakatayo lamang si Nathan sa gilid niya. Nakasimangot ito dahil napaplastikan ito sa pinapakita niyang kabaitan sa mga tao.
"Thank you po miss Karen! Sobrang saya po namin at nakita po namin kayo sa personal."
"Welcome. Salamat rin" Nakangiting sagot niya at yumakap pa ang mga ito sakanya na para bang isa siyang artistang idolo ng mga ito
"Ay miss Karen, Siya ho ba ang nobyo niyo? Naku bagay na bagay po kayo! Sobrang gwapo naman po ng boyfriend niyo!" Kinikilig pang sabi ng mga babae dahil napansin ng mga ito si Nathan
Itatangi niya sana na nobyo niya ito ngunit naunahan na siya ng mokong!
"She's not my girlfriend. Masyadong mataas ang standards niya kaya wala parin siyang boyfriend hangang ngayon" sabi ni Nathan bago ito umupo sa upuan sa tapat niya
Napalunok naman siya dahil sa sinabi ni Nathan. Nawala tuloy ang kanyang ngiti. Bakit ba parang may hinanakit ito sakanya? Wala naman siyang ginagawang masama sa gwapong lalakeng ito
"Ay naku sayang naman ho Ser. Bagay na bagay talaga kayo ni miss Karen. Sige po balik na po kami sa pwesto namin para makakain na po kayo"
Ngumiti lang ng tipid si Karen sa mga babae dahil parang napahiya siya sa mga ito
"Nathan may nagawa ba akong mali sayo? Bakit ka ba ganyan sakin?" Mahinang tanong niya sa binata habang nakatingin lang ito sakanya
"Anong gusto mong kainin?" Pag-iwas nito sa kanyang tanong
Napabuntong hininga tuloy siya bago siya tumingin sa mga ulam na pagpipilian malapit sa kinauupuan nila
"Ako na ang oorder." Nagtatampong sabi niya bago siya tumayo
Naiinis namang tumayo si Nathan upang pigilan siya. Hinawakan nito ang kanyang kamay para pigilan siya
Para tuloy siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan ng maramdaman niya ang mainit nitong palad sa kanyang balat.
Agad siyang napatingala upang tignan ito. Mas matangkad kasi ito sakanya at hangang dibdib lamang siya nito.
Nakita niyang seryoso itong nakatingin sakanya
"Ako na ang oorder ng kakainin natin. Ano bang ulam ang gusto mo?" Masungit nitong tanong sakanya
Parang gusto niya tuloy mapapikit dahil sa lapit ng kanilang katawan sa isat-isa. Amoy na amoy niya rin ang mabango nitong hininga na para bang kakasipilyo lamang nito sa sobrang fresh ng hininga nito
Iyon pa naman ang isa sa mga hinahanap niya sa isang lalake. Yung lalakeng mabango ang hininga. Partida pa na hindi ito pala-salita ngunit napakafresh parin ng hininga nito
"A-Ako na" pagmamatigas niya
"Ako na nga. Wala ka ring dalang pera. Hindi pwede ipangbayad ang card sa lugar na to--"
"I know. My Gosh! Kalerky. It's not my first time to eat something like this. Bakit ayaw mo bang maniwalang kumakain talaga ako sa mga karinderya? Alam kong cash ang pinang-babayad dito at may cash naman ako. Hindi ako ignorante no!" Pagtataray niya kay Nathan dahil naiinis na siya. Iniisip ba nitong hindi siya sanay kumain sa karinderya?
Binitawan siya nito dahil sa kanyang sinabi.
Pinagtitinginan tuloy sila ng iilang mga tao sa loob ng karinderya.
Napabuntong hininga nalang si Nathan at tahimik itong nakasunod sakanya
"Magandang tanghali po." Magalang na pagbati ni Karen sa babaeng tindera ng karinderya. Kanina pa ito nakatingin sakanilang dalawa ni Nathan
"Magandang tanghali rin naman miss Karen Hoffman. Mabuti naman ho at napasiyal kayo dito sa lugar namin. Kinagagalak ho namin makakita ng isang sikat at napakagandang hoffman." Masayang sagot nito habang titig na titig sakanya. Tila ba gandang ganda sakanya ang tinderang medyo may katabaan at may edad na.
Alam ni Karen na narinig iyon ni Nathan kaya naman mas lalo siyang napangiti.
"Salamat po. Napadaan lang po kami dito dahil may dadalawin po kami sa Paete Laguna. Sakto po kasi at hindi pa kami kumakain nitong kasama ko"
Tumingin naman ang tindera kay Nathan na nasa likod niya. Nakita niyang kinilig ito at halatang nagwapuhan ng husto kay Nathan
"Naku ma'am napakagwapo naman ho ng nobyo niyo--"
Pinutol na niya ang sasabihin pa ng tindera dahil baka maunahan nanaman siya ni Nathan sa pagtangi
"Hindi ko po siya nobyo. K-Kaibigan ko lang po siya" Sabi agad niya para hindi na siya maunahan pa ni Nathan
"Tss" Narinig niya naman na pumalatak ang binata sa likod niya
"Ay ganoon ho ba ma'am? Nako sorry ho. Bagay na bagay ho kasi kayo eh kaya akala ko ho magkasintahan kayo"
Ngumiti lang siya sa sinabi ng tindera
"Heto ho ang order ko. Isang order po ng kaldera, sisig at kare-kare."
Agad naman kinuha ng tinera ang mga ulam na inorder niya. Nilagay agad nito iyon sa isang mangkok kada isang order ng ulam. Mukhang dinagdagan pa talaga nito ang bawat ulam na order niya
Tumingala naman siya kay Nathan upang tanungin niya ito.
Parang tumalon naman ang kanyang puso dahil nahuli niya itong pasimpleng inaamoy ang kanyang buhok
Parang tinambol tuloy ang kanyang puso.
Tama ba ang nakita niya? Baka naman nag aambisyon lamang siya??
Patay malisya kasi itong tumingin sakanya na para bang hindi niya ito nahuli sa pasimple nitong pag-amoy sa kanyang ulo
"N-Nathan anong ulam ang order mo?" Halos mapapiyok na tanong niya kay Nathan
Kumunot ng kaunti ang nuo nito
"Ang dami na ng inorder mo. Sayo lang ba iyon?"
Tabingi siyang napangiti "Nagugutom kasi ako talaga eh. Oo sakin lang yun. Sayo anong sayo?"
"Kalderata lang sakin" Supladong sabi nito
Ngumiti siya ng kaunti dahil malakas parin ang pagtambol ng kanyang puso. Kakaibang kilig kasi ang naramdaman niya ng makita niyang inaamoy nito ang buhok niya
Inisip niya tuloy kung nakapagshampoo ba siya ng maayos kaninang umaga? Mabuti nalang at matagal siyang maligo araw araw kaya naman confident siyang mabango ang buhok niya
"Ilang kanin miss Karen?" Tanong ng tindera sakanya pagkatapos nitong mailagay ang mga ulam na inorder niya
"Tatlong kanin po at isa pang kaldereta po" Magalang na sagot niya bago ito muling naglagay ng isa pang order ng kaldereta at tatlong cup ng kanin
Inilagay nitong lahat ng mga iyon sa isang tray
"One hundred forty lang po miss Karen" Nakangiting sabi ng tindera
Kinuha ni Karen ang kanyang walet sa loob ng body bag na suot suot niya. Nakamasid lamang si Nathan sa bawat kilos niya. Nakita nitong kumuha siya ng isang libong piso papel mula sa wallet niya
"Wala silang panukli sayo" Bulong ni Nathan sa likod niya habang bahagya itong nakayuko para marinig niya ito.
Napalunok siya dahil sa ginawang pagbulong ni Nathan. Nataranta tuloy siya sa pagbukas ng zipper ng kanyang bag
"S-Sino ba nagsabi sayong hihingin ko pa ang sukli.." Pagtataray niyang bulong sa binata bago i-abot ang isang libo sa tindera
"Nay heto ho ang bayad namin. Keep the change na po pahingi nalang po ng dalawang softdrinks at dalawang basong tubig" Nakangiting sabi ni Karen sa tindera
Napangiti naman ng malapad ang tindera
"Naku maraming salamat po miss Karen! Hindi ka lang maganda kundi napakabait pa! Totoo ho pala ang mga balita tungkol sa pamilya niyo. Mababait kayo at hindi lang basta magaganda at gwapo"
"Salamat po." Nakangiting pasasalamat nalang niya. Bibit-bitin na sana niya ang tray na naglalaman ng mga pagkain nila ngunit naunahan na siya ni Nathan
Bahagya pa nga nasagi nito ang kanyang braso at isang segundong nagkadikit ang mga braso nila ng kunin nito ang tray mula sa pagkakapatong niyon sa counter table
Pakiramdam niya ay nakuryente siya sa pagkakadikit ng kanilang balat. Napakagat labi nalang siya ng lihim.
Si Nathan ang nagbitbit ng kanilang order hangang sa kanilang lamesa.
"Ang dami mong inorder, Ang lakas mo palang kumain hindi ka naman tumataba" Puna ni Nathan habang kumakain na sila ng mga inorder nilang pagkain
Nilunok muna niya ang kanyang kinakain.
"Malakas talaga akong kumain. Ang sarap dito no? Masarap yung timpla nila sa mga pagkain. Magaling yung taga luto nila"
Kunot nuo lamang si Nathan na para bang may nasabi nanaman siyang mali.
"Hindi ba't pihikan ka? Bakit parang nagbago kana yata?" Wala sa loob na sabi ni Nathan kaya napatigil siya sa pagkain
"Ha?" Nalilitong tanong niya
Agad naman itong nag-iwas ng tingin sakanya at kunwaring kumakain pa
"I mean, Nababasa ko sa mga news na napakapihikan mo raw." Seryosong sambit ni Nathan
Nagkibit balikat siya
"Siguro? Ewan ko. Lahat naman siguro ay pihikan eh. Lahat naman tayo may kanya kanyang gusto at di gusto"
"Tss.." Napansin niyang kumunot nuo si Nathan at uminom ito ng tubig.
"Ikaw Nathan ha? Bakit parang hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko? Totoo naman iyon eh."
"Tapusin mo na yung kinakain mo. Hihintayin nalang kita sa kotse" Seryoso at pagsusuplado nanaman nito sakanya bago ito tumayo at nauna na itong lumabas ng karinderya pagkatapos nitong magpunas ng tissue sa paligid ng kissable lips nito
Napabuntong hininga nalang si Karen. Hangang tingin nalang siguro siya sa kissable lips na iyon dahil kahit anong gawin niya ay mukang hindi talaga siya magugustuhan ng binata.