Chapter 16 "Bakit namamaga ang mata mo?" Napakurap-kurap si Karen ng makita niya si Nathan na prenteng nagkakape sa balkonahe ng kanyang hotel room Tila nananaginip pa yata siya? Kinusot niya ang kanyang mga mata at hindi nga siya nagkakamali. Si Nathan nga ang lalakeng nakaupo ngayon sa balkonahe habang nagkakape ito sa isang tasang kulay puti. Para itong endorser ng masarap at mainit na kape sa umaga habang hinahangin pa ng kaunti ang buhok nito. Bihis na bihis na rin ito at para bang may lakad ito ngayon "N-Nathan anong ginagawa mo dito?" Namimilog na mga matang tanong niya "Pinapasok ako ni Pia. Nagkape nako dahil ang tagal mong magising.." Balewalang sagot nito at muli itong humigop ng kape Napalunok siya at hinigpitan niya ang tali ng hotel bath robe na kanyang suot suot. Ka