Chapter 33 (High school days of Nathan and Karen) Buong araw hinahanap ni Nathaniel si Karen sa buong campus. Ngunit malapit na ang uwian niya ay hindi parin niya ito nakikita. Nagbabakasakali kasi siyang matandaan siya nito. Ipinakilala siya ng kanyang kapatid kahapon sa pinakasikat na babae sa campus nila. Hangang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala na naka-daupang palad niya ang magandang dalaga Hindi na ito nawala sa kanyang isipan. Para na nga siyang tanga kakaisip dito buong maghapon at hindi siya nakatulog ng maayos kagabi, nagkaroon tuloy siya ng tigyawat sa kanyang ilong dahil sa pagpupuyat niya kakaisip dito Napabuntong hininga siya ng makita niyang wala ito sa bleachers kung saan madalas itong tumambay kasama ng mga kaklase nito tuwing vacant period. Nasan kaya siya?