Chapter 39 Nakatulog si Nathan sa kanyang balikat kahit panay ang kislot niya upang magising ito. Nakasimangot naman si Aniel dahil kahit anong gawin nitong pag iingay ay hindi parin nagigising ang binata. Mukhang sinasadya lamang nitong magtulogtulugan sa balikat niya Nandoon na nagpatugtog na ng malakas si Aniel gamit ang cellphone nito ngunit hindi parin nagigising si Nathaniel. "Sarap ng tulog ng kuya ko ha? Baka di na magising yan?" Pagbibiro ni Pia sa kuya nito dahil nahalata nitong nagtutulog tulugan lamang si Nathan para maka-hokage moves sakanya Sumilay ang isang pigil na ngiti sa mga labi ni Nathan habang nakapikit ito. Napa-irap naman sa hangin si Karen upang hindi mahalata ng mga ito na nakakaramdam siya ng munting kilig "Sarap talaga ng tulog oh?" "Too bad we're almost