Chapter 8
Kinikilig na inamoy ni Karen ang puting tshirt na ipinahiram ni Nathan sakanya. Iyon daw muna ang isuot niya at ang isang basketball short nito
Imbis na maghugas lamang ng paa at magpalit ng damit ang gagawin niya ay naligo na siya ng tuluyan sa maliit na banyo ni Nathan. Malinis iyon kahit maliit lamang.
Malagkit ang alak na tumapon sa kanyang damit kaya mas minabuti na niyang makiligo sa banyo nito
Kinikilig pa nga siya kanina habang ginagamit niya ang tuwalyang kulay asul na nakasabit sa likod ng pinto. Amoy fabric conditioner ang tuwalyang iyon ni Nathan. Ginamit niya iyon ng walang pahintulot nito. Wala siyang kaarte-arteng gamitin iyon kahit alam niyang nagamit na iyon ni Nathan. Mukhang malinis pa ang tuwalyang iyon at napakabango pa.
Hindi naman kasi nito akalain na makikiligo siya. Ang buong akala lang nito ay maghuhugas lamang siya ng marumi niyang paa at magpapalit ng damit
"Ang bango kalerky.." Inamoy niya pang muli ang t-shirt na ipinahiram ni Nathan sakanya bago niya iyon isinuot.
Pakiramdam niya ay nakayakap rin si Nathan sakanya habang suot suot niya ang damit nito. Ito palang kasi ang unang pagkakataon na magsusuot siya ng damit ng isang lalake.
Wala sa sariling napayakap siya sa kanyang sariling katawan at parang tangang pangiti-ngiti habang kinikilig
Tinakpan niya ang sariling bibig dahil baka marinig pa ni Nathan ang mga impit na pagtili niya sa sobrang kilig
"Relax self.. Relax.." Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang kanyang sarili
Napakagat labi siya ng isuot niya ang basketball short ni Nathan.
"My gosh." Mahinang tili niya ng maisuot na niya iyon. Pinaplano na niyang hindi isauli ang mga damit na iyon at aalagaan niya ng husto sa kanyang closet. Para sakanya ay ituturing niya iyong memorable things na ipinahiram ni Nathan sakanya ang mga damit nito sa gabing iyon
Unforgetable para sakanya ang gabing iyon.
Maluwang ang short na iyon sakanya ngunit mabuti nalang at may tali iyon.
Napangiti siya ng makita ang repleksyon niya sa full leng mirror sa loob ng banyo ni Nathan. Pakiramdam niya bumagay naman sakanya ang damit nito
"Shocks yung tong-utz ko nabakat.." Tinakpan niya ng kanyang kamay ang dalawa niyang hinaharap dahil bumabakat sa tshirt ang dalawang n*****s niya
Wala naman kasi siyang suot na bra mula pa kanina dahil may sariling bra na ang dress na suot niya. Kaya tuloy ngayon ay wala siyang maisuot na bra.
Mabuti nalang at may blower sa loob ng banyo ni Nathan. Tinuyo niya muna ang kanyang mahabang buhok na umaanot hangang sa kanyang bewang.
Iyon ang ipinangtakip niya sa magkabila niyang malulusog na hinaharap upang hindi mahalata ni Nathan na wala siyang suot na bra
Nakigamit rin siya ng extrang toothbrush na nakita niya sa isang cabinet doon. Nagsipilyo siya dahil nalalasahan niya pa ang mapait na lasa ng alak na ipinainok sakanya kanina ng mga kapit bahay na lasengero ni Nathan
Nang makuntento na siya sa kanyang itsura ay dahan dahan siyang lumabas ng banyo.
Naabutan niyang naghahanda ng makakain si Nathan sa bandang kusina nito.
Agad itong napatingin sakanya. Saglit itong natigilan ng makita nitong suot suot niya ang mga damit nito.
Napakagat labi siya dahil sa tingin na ipinupukol nito sakanya. Pakiramdam niya ay nagagandahan ito sakanya. Ngunit saglit lang iyon dahil muli nanaman sumeryoso ang gwapong mukha nito
"Akala ko kinaen kana ng banyo.." seryosong sabi nito bago ipinagpatuloy ang paghahain ng dalawang plato sa lamesa at nilalagyan nito ng tig isang cup ng kanin ang mga iyon
"N-Nakiligo na ako kasi malagkit sa balat yung alak na tumapon sa damit ko."
Lumapit siya sa kinaroroonan nito. Naamoy niya ang mabangong ulam na mukhang kakaluto lamang nito
"Wow beef steak?" Tanong niya ng makita niyang isinasalin na nito sa isang mangkok ang ulam
"Yeah. Nagluto ako ng makakain mo dahil alam kong hindi ka naman kumain kanina" Masungit nitong sambit ngunit nagpalakas iyon ng t***k ng kanyang puso
Ibig sabihin nakatingin parin ito sakanila kanina ni Bryan?
"N-Nakakahiya naman sayo Nathan. Naabala pa tuloy kita" Kinikilig niyang sambit bago siya umupo sa isang silya doon
Tumingin lang ito sakanya
Lalo tuloy siyang kinikilig dahil sa mga patingin-tingin nitong ganoon ay mas nahuhulog ang loob niya sa lalakeng ito. Mas gwapo kasi ito sa paningin niya pag nagsusuplado ito sakanya
"Bakit mo ba kasi ako sinundan?"
Hindi ito ngumingiti ngunit alam niyang hindi naman ito galit sakanya. Nakasuot parin ito ng pang-waiter nitong uniform. Mukhang nagluto muna talaga ito ng makakain niya bago pa ito magpalit ng damit.
Kinilig tuloy siya sa isiping mas importante para dito na may maipakain sakanya.
"Gusto ko lang malaman kung saan ka nakatira." Pag-amin niya
Nakita niyang napataas ng kaunti ang kilay ni Nathan.
"Anong nangyare sa kadate mong chongo?"
Napangiti siya sa sinabi ni Nathan. Pakiramdam tuloy niya ay nagseselos talaga ito.
"Kalerky ka. Grabe ka naman maka-chongo kay Bryan.."
"Kapag sinagot mo ang lalakeng iyon mawawala ang bilib ko sa taste mo."
Inilapag ni Nathan sa harap niya ang plato na may lamang kanin at ulam. Ini-abot rin nito ang kutsara at tinidor sakanya
Para tuloy silang mag-asawa na mag hahapunan ng sabay. Pilya siyang napapangiti sa ideyang iyon.
"Hindi ko siya sasagutin dahil tinapat ko na siya kanina na hindi ko siya gusto."
"Tss. Sinabi mo rin ba sakanya na iyon na ang una at huli niyong date?" Sarkastikong tanong ni Nathan sakanya na para bang bumalik ang inis nito sakanya
Napa-labi tuloy siya.
Ayaw niyang nararamdamang naiinis ito sakanya kaya nag-isip nalang siyang baguhin ang topic nila. Minsan niya lang ito makasama kaya lulubusin na niya
"Mag-isa ka lang ba dito sa bahay mo?"
"May nakikita ka bang kasama ko?" Pilosopong tanong nito bago ito umupo sa katapat niyang upuan
Umiling siya
"Wala. So mag-isa ka lang? Wala ka pang nobya? Live in partner or asawa?" Sunod sunod na tanong niya
Bahagya itong napangiti kaya halos napatulala siya. Kung gwapo ito kapag seryoso ang mukha ay mas doble pala ang kagwapuhan nito kapag nakangiti ito!
Napalunok siya dahil parang may bumara sa kanyang lalamunan. Hindi yata kaya ng powers niya ang kagwapuhang taglay nito
Susmaryosep! May igagwapo pa pala ang papi Nathan kooo... - Anang maliit na tinig sa kanyang isip
"Ang dami mong tanong. Kumain ka nalang kaya muna?" Nakangiti ng kaunting sambit nito sakanya bago ito nagsimulang kumain
Ngunit hindi pa man siya nakaka-subo ng pagkain ay napatingin siya kay Nathan ng lumipat ito ng pwesto sa kanyang tabi
Halos manlaki ang kanyang mata sa paglipat nito!
Napalunok siya ng sunod sunod dahil sa pagtabi nito sakanya at balewala itong nagpatuloy kumain
"Anong tinitingin tingin mo diyan? Kain na.." Untag nito sakanya dahil nakatingin lamang siya kay Nathan
"B-Bakit ka lumipat diyan?" Hindi niya mapigilan itanong iyon
"Mainit eh. Nandito nakatutok yung electric fan" Tinignan pa nito ang electric fan sa bandang gilid niya
Nawala tuloy ang kilig na kanyang nararamdaman. Akala pa naman niya ay lumapit ito upang tabihan talaga siya nito dahil gusto nitong makatabi siya. Iyon pala ay dahil lamang naiinitan ito sa pwesto nito kanina
Huminga siya ng malalim at nagsimula na siyang kumain. Nagulat pa siya dahil masarap ang niluto nitong ulam!
"Masarap ka palang magluto!" Ginaganahan tuloy siyang kumain dahil masarap ang niluto nitong ulam
"Of course" Mayabang na sagot nito habang tinitignan siya nitong kumain. Napapangiti ito ng kaunti dahil napapansin nito ang magana niyang pagkain
Halos mapadighay siya sa sobrang kabusugan ngunit pinigilan lamang niya dahil nahihiya siya kay Nathan. Uminom siya ng isang basong tubig kaya mas lalo siyang nabusog. Tapos na rin itong kumain at naubos rin nito ang pagkain sa plato nito
"Grabe nabusog ako Nathan. Salamat sa masarap na ulam ha?" Nakangiting pasasalamat niya kay Nathan
Hindi ito sumagot ngunit nakita niyang napangiti ito ng kaunti bago ito tumayo upang ligpitin ang mga kinainan nila
"Ako na diyan Nathan--"
"Ako na." Masungit nitong sabi sakanya bago niya pa man ito mapigilan sa pagliligpit ng kanilang pinagkainan
Lalo tuloy nadadagdagan ang paghanga niya sa binata dahil hindi lang pagluluto ang alam nito. Alam rin nito kung paano maglinis ng bahay at ngayon naman ay naghuhugas ito ng pinagkainan nila
"Mag-isa ka lang ba dito?" Tanong niya habang naghuhugas ito ng pingan. Naisipan niyang magwalis. Marunong naman siyang magwalis dahil tinuruan naman sila ng kanyang mommy Casandra ng mga gawaing bahay kasi napakayaman ng kanilang pamilya.
Kaya nga hindi sila mapapahiyang dalawang magkapatid dahil pinalaki sila ng maayos ng mommy niya. Kasalukuyang nasa ibang bansa palagi ang mommy at daddy niya. Lalo na ng pabayaan na ng mga ito si Cody sa buhay nito at hindi na ipilit sa ibang babae.
"Bakit mo ba gustong malaman kung mag-isa lang ako dito?" Napapangiting tanong ni Nathan sakanya
Napangiti rin tuloy siya
"Wala lang. Baka kasi may sumabunot bigla sa buhok ko eh!"
"Sinabi ko na sayo diba? wala akong panahon makipagrelasyon kaya wala akong ibang kasama dito"
Napangiti siya. Ibig sabihin ay single pa talaga ito!
"Ganoon ba? Nasaan naman ang parents mo?"
Hindi ito kumibo ng ilang segundo. Nakita niyang sumeryoso nanaman ang mukha nito.
Hindi nalang niya muling inulit ang kanyang tanong. Mabuti nalang at may biglang kumatok sa pintuan nito.
"Nathan?" Boses ng babae ang kumakatok sa pinto ni Nathan
Napakunot tuloy ang nuo ni Karen dahil sa boses na iyon.
"M-May bisita ka yata?" Medyo nagseselos na tanong niya kay Nathan.
Itinigil nito ang paghuhugas ng pingan at nagpunas ng kamay sa isang malinis na kitchen towel na nakasabit sa gilid ng refrigirator nito.
Parang kinakabahan na siya habang papalapit si Nathan sa pintuan upang pagbuksan ang babaeng kumakatok doon
Wala sa loob na napatingin siya sa orasan na nakasabit sa pader ng bahay ni Nathan
Mag-aalas diyes na ng gabi. Sino naman kayang matinong babae ang kakatok sa bahay ng isang lalake sa ganitong oras?
Sinundan niya si Nathan upang tignan kung sino ang babaeng bisita nito
"Aniel.." Sambit ni Nathan ng mapagbuksan nito ng pintuan ang isang magandang chinitang babae na sa tanya ni Karen ay mas bata sa kaniya.
Mukha pa lang ito nasa bente anyos. Fresh na fresh rin ang kutis nitong maputo at maganda rin ang mukha nito
Parang may tumahip na kaba sa kanyang dibdib. Sino naman ang babaeng ito?! Mukhang kapitbahay lang ito ni Nathan dahil nakapangbahay lamang itong damit
May hawak itong isang maliit na tupperware.
"Hi Nathan gumawa ako ng graham cake para sayo--Oh may bisita ka pala"
Nawala ang magandang ngiti nito ng makita siya nito sa loob ng bahay ni Nathan at suot suot pa niya ang damit ng binata kaya marahil nagtaka ito
"Yeah. Kaibigan siya ng amo ko." Balewalang pagpapakilala ni Nathan sakanya kaya hindi siya makakapayag na ganoon lamang siya ipapakilala nito sa magandang babaeng iyon.
Lumapit siya sa mga ito at ngumiti siya ng matamis sa chinitang babae.
"Hi.. I'm Karen Hoffman. Kaibigan ako ni Nathan" Pagpapakilala niya sakanyang sarili.
Napansin niyang napapataas ng kaunti ang kilay ng dalaga.
Samantalang nakatingin lamang si Nathan sakanya at pinipigilan nitong mapangiti dahil halatang nagseselos siya
"Hi ate Karen. I'm Aniel Chua. Kapitbahay at kaibigan po ako ni Nathan" Nakangiting pagpapakilala rin nito sa sarili nito
Hindi niya napigilan ang pagtaas ng kanyang kilay dahil sa pagtawag nito sakanya ng ate!
How dare her! Ganoon na ba siya kamukhang matanda?!
Napansin naman niyang natatawa ng kaunti si Nathan sa likod niya. Tiningala niya ito upang bigyan ng masamang tingin. Isinarado naman nito ang bibig upang hindi na ito matawa pa
"Dear. Maka-ate ka naman sakin kalerky.. Bata pa ako--"
"Oh sorry po ate. Akala ko po kasi nasa trenta anyos na po kayo. Twenty four palang po kasi ako" Pasimpleng kamalditahang sambit ng babae sakanya na halata namang nang aasar lang rin ito
Pigil na pigil naman ang pagtawa ni Nathan sa likod niya. Hindi naman siya nakapagsalita sa sinasabi nito. Parang napahiya kasi siya
"Ah-Eh-O-Okay" Iyon nalang ang nasabi niya dahil totoo namang trenta anyos na siya! Ito palang ang nagsabi sakanya na mukha siyang trenta! Sa katunayan nga niyan ay marami paring teen agers ang nagkakagusto sakanya dahil iniisip daw ng mga ito na magkakasing edad lamang sila! Kaya naman napahiya talaga siya ng husto dahil sa sinabi ng babaeng ito
Ngunit naramdaman niyang hinawakan ni Nathan ang magkabila niyang balikat at marahang pinisil pa iyon. Marahil naramdaman nitong napahiya siya ng kaunti
Parang nanigas tuloy siya sa kanyang kinatatayuan.
Libo-libong boltahe yata ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan niya dahil lamang sa paghawak ni Nathan sa kanyang mga balikat
Napatingin rin sa kamay nito si Aniel. Parang nasaktan ito ng makita nitong nakapatong ang kamay ni Nathan sa balikat niya
"Bata pa to kaya huwag mo nalang siyang tawaging ate Karen. Just call her Karen. And salamat Aniel sa graham cake" Pagpapasalamat nalang ni Nathan bago nito kunin ang tupperware na may lamang graham cake
Parang si Aniel naman ngayon ang nauutal at napapahiya sa harap niya
"O-Oh ganoon ba Nathan? Pasensya kana ate este Karen. It's nice meeting you. Paano balik na ako sa bahay namin ha?" Nagmamadali na itong tumalikod dahil halatang hindi nito kinakayanan ang pagpatong ng kamay ni Nathan sa kanyang balikat habang ang isang kamay nito ay may hawak na tupper ware
Napakalakas ng t***k ng puso ni Karen sa mga oras na iyon.
Isinarado muli ni Nathan ang pintuan ng bahay nito.
"Here.. kainin mo to ate Karen" Pagbibiro ni Nathan sakanya bago nito ini-abot ang tupper ware na may lamang graham cake sakanya
Tinignan niya lang ito dahil hindi pa siya nakakamove on sa ginawang paghawak at pagpisil nito sa kanyang balikat
"Ayaw mo ba?" Tanong ni Nathan dahil hindi niya tinangap ang inaabot nito
Umiling siya at nag-iwas ng tingin sa gwapong binata
"A-Ayoko niyan. Ayoko sa matatamis" Palusot niya kahit ang totoo ay ayaw lamang niyang kainin ang kahit anong pagkain galing sa magandang babaeng iyon
"Are you sure? Ayaw mo? Nagseselos ka lang yata eh" Panunukso pa ni Nathan bago ito kumuha ng kutsara sa kusina at muling lumapit sakanya
Inirapan niya ito ng makita niyang kinakain na nito ang graham cake na ibinigay ng kapit bahay nito
"Dapat nag iingat ka sa mga pagkain na ibinibigay sayo. Paano kung may gayuma iyan?" Naiirita niyang sabi kay Nathan kaya napangiti ito habang kumakain ng graham cake
"Kung may gayuma ito dapat noon ko pa siya nagustuhan. Hindi ako pumapatol sa mga bata"
Napatingin siya dito at may pilyong ngiti ang labi nito habang kumakain ito ng graham cake
"Ibig sabihin dati ka pa niya binibigyan ng mga pagkain?" Nakataas na kilay na tanong niya
Tumango naman ito.
"Akala mo ba ikaw lang nagkakagusto sakin? Sa gwapo kong to?" Mayabang pa nitong pang aasar sakanya kaya mas lalo siyang naiinis
Hindi niya gustong isipin na may kaagaw siya kay Nathan parang hindi niya kakayanin kung may mamahalin itong iba.
Napanguso nalang siya at para siyang batang umupo sa sofa na malapit sakaniya habang kumakain naman ito ng graham cake.
"Maganda siya at magkapitbahay lang kayong dalawa. Mas maraming beses mo siyang nakikita kaysa sa akin." Sambit niya dahil iyon naman talaga ang nasa isip niya
Umupo ito sa tabi niya bago nito itinapat sa kanyang harapan ang kutsarang may graham cake. Tila pinapakain nito iyon sakanya
"Tikman mo para mawala bitterness mo." Biro ni Nathan sakanya na para bang nag eenjoy pa ito sa pagpapaselos sakanya
"Ayoko nga."
Ngumiti si Nathan at tinitigan ang nakabusangot niyang mukha.
"Nagseselos ka sa batang yun?" Tanong nito
Tinignan niya ito ng masama.
"Obvious ba? Kalerky ang ganda ganda ng batang iyon. Ano namang laban ko dun? Mas bata at fresh iyon sakin. Kaya naman pala ayaw mo akong pansinin dahil may iba pang nagkakagusto sayo--"
Hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil nanlaki ang kanyang mga mata ng kabigin ni Nathan ang kanyang magbatok at siilin nito ng banayad na halik ang kanyang labi
Saglit siyang nagulat sa ginawa nito!
Banayad at dahan dahan lamang ang halik nito sakanya habang siya naman ay gulat na gulat parin. Naipikit nalang niya ang kanyang mga mata upang lasapin ang matamis na halik ni Nathan sakanya
Nalalasahan niya pa ang lasa ng graham cake sa bibig nito na mas lalong nagpatamis sa kanyang unang halik!
This is her first kiss!!
Nathan is her first kiss?!
Napaungol siya ng mas lumalalim pa ang paghalik ni Nathan sakanya. Hindi niya alam ang kanyang gagawin kaya ngumanga lang siya ng kaunti.
Tumigil ito saglit sa paghalik sakanya at tumitig sa kanyang mga mata.
"Hindi ka marunong humalik?" Tanong ni Nathan sakanya habang kakaiba ang nababasa niyang emosyon sa mga mata nito
Napalunok siya. Hindi niya alam ang kanyang isasagot dahil bitin na bitin siya sa halik nito'
"H-Hindi.. Dahil ikaw palang ang nakakahalik sakin" Nahihiyang pag-amin niya
Nakita niyang napangiti ito at muli nitong hinalikan ang kanyang labi.
Ganoon parin ang ginawa niya. Hinahayaan niya lang itong halikan ang kanyang bibig. Halos kagatin nga ni Nathan ang kanyang labi sa pang-gigigil nitong makahalikan siya
"Damn.. Kiss me back baby.." Ungol ni Nathan habang hinahalikan siya nito sa kanyang labi
Muli itong tumigil sa paghalik sakanya.
"P-Paano bang humalik pabalik?" Nahihiyang tanong niya kay Nathan.
"Gayahin mo lang ang pag galaw ng labi ko.." Mapungay na ang mga mata ni Nathan habang nakatingin ito sa kanyang malambot na mga labi
Tumango siya at muli nitong hinalikan ang kanyang labi. Napapikit siya at dahan dahan niyang ginagaya ang pag-galaw ng mga labi nito. Parang sinisilaban ang buong katawan niya sa sobrang init ng halik na kanilang pinagsasaluhan
"Uhmmmm.."
Napaungol si Nathan ng unti unti na siyang natututong humalik pabalik sa mga halik nito. Halos ihiga na siya nito sa sofa habang naghahalikan silang dalawa.
Nagiging mapusok na ang mga paghalik ni Nathan sa kanyang labi kaya ganoon rin ang nagiging tugon niya. Sarap na sarap sila sa halik na kanilang pinagsasaluhan. Nakikipaghalikan pa ito na ipinapasok pa talaga nito ang dila sa loob ng kanyang bibig kaya naman halos mag deliryo sa sarap si Karen sa mga oras na iyon
"Nathan.." Ungol ni Karen sa pangalan ng binata habang nakikipaghalikan ito sakanya
Never in her wildest dream na makakahalikan niya ang binata ng ganito katagal! Hindi niya rin inaasahan na ganito kasarap ang kaniyang magiging unang halik..
Kapwa sila hinihingal ng tapusin ni Nathan ang halik na kanilang pinagsasaluhan. Halatang napipilitan lamang itong tapusin ang masarap at nakakapanghinang halik na iyon
Tila gustong gusto pa nitong ituloy iyon lalo pa't nararamdaman ni Karen ang matigas na bumubukol sa gitnang bahagi ng katawan nito habang kahalikan niya ito kanina
"We should stop now.. Ihahatid na kita sa mansyon niyo" Seryoso nitong sabi sakanya bago ito tumayo upang pumasok sa loob ng banyo.
Napahawak naman si Karen sa kanyang labi dahil parang namamaga iyon sa tindi ng paghalik at pagsipsip ni Nathan sa kanyang labi.
Inayos niya ang kanyang nagulong buhok.
Kinuha lang pala ni Nathan ang madumi niyang dress sa loob ng banyo at hindi ito makatingin ng deretso sakanya
"Let's go ihahatid na kita"
Napalunok siya dahil para bang walang nangyaring matinding paghahalikan sa kanilang pagitan. Samantalang hinihingal parin nga siya sa mga oras na iyon.
Tahimik lamang siyang sumunod dito habang naglalakad sila papunta sa kanyang kotse. Suot suot parin niya ang mga damit nitong ipinahiram sakanya at ang high heels niya.
Nagtataka naman si Karen dahil marami paring tao sa kalsada kahit na alas diyes na ng gabi
Tahimik lang si Nathan habang nasa loob na sila sa kanyang kotse. Hangang sa makarating sila sa tapat ng mansiyon. Walang gustong magsalita sakanilang dalawa. Nahihiya siya kay Nathan dahil sa pinagsaluhan nilang halik. Iyon na ata ang pinakamasarap na nangyari sa kanyang buhay na hinding hindi niya makakalimutan
"Good night. Magtataxi nalang ako" Paalam ni Nathan sakanya bago ito bumaba ng kanyang kotse. Hindi man lang ito makatingin sakanya at para bang nahihiya rin ito sakanya
Napalunok nalang siya dahil pakiramdam niya ay nasa labi parin niya ang mainit na labi ng binata. Napakasarap nitong humalik!
Nakagat nalang niya ang kanyang labi..