Chapter 10 Mabilisan nagpalit ng damit si Karen ng makapasok siya sa hotel bedroom habang nasa living room naman ang dalawang bisita niya na si Pia at Nathan. Nagsuot muna siya ng isang simpleng pink t-shirt and color grey jogging pants dahil mamaya pa namang gabi ang fashion show. Baka marumihan agad ang damit na isusuot niya para sa big event kung isusuot na agad niya iyon. Ipinulupot nalang niya sa tuwalyang kulay puti ang kanyang basang basa pang buhok. Mabilis parin ang t***k ng kanyang puso dahil sa kabiglaan. Hindi niya inaasahan na darating ngayon si Pia at isinama pa nito si Nathan. Para tuloy siyang nananaginip sa sobrang saya niya! Hindi na siya naglagay ng kahit anong makeup sa kanyag mukha dahil mayroong makeup artist na darating mamaya upang ayusan siya. Mabuti nalang