Chapter 37 "Talagang sinundo mo pa ako ha?" "Ofcourse bestfriend! Baka mamaya niyan hindi ka pumunta sa birthday ko eh!" Napapa-iling nalang si Karen ng kunin mismo ni Pia ang kulay pink na luggage bag niya na nasa gilid ng kanyang kama. Maliit lang iyon at kasya na doon ang mga gagamitin niya para sa dalawang araw na bakasyon nila sa Laguna kung saan gaganapin ang kaarawan ng kanyang kaibigan "Segurista ka talaga Pia.." "Ako pa? Ako lang naman ang nag iisang segurista at sexy mong kaibigan" "Kalerky" Sabay pa silang napairap sa isat-isa at napasabi ng salitang iyon katulad ng madalas nilang expresyon sa tuwing nais nilang kurutin sa singit ang isat-isa Sabay rin tuloy silang natawa "Matitiis ba naman kita--" "Echusera ka. Nakalimutan mo ngang birthday ko eh. Naghiwalay lang kay