Chapter 30 "Go away Nathan. matutulog nako!" Bahagya niya pang itinulak ang malapad na dibdib ng binata dahil nais nitong pumasok sa loob ng kanyang kwarto "Can we talk please?" Pagsusumamo nito sakanya "No. Wala na tayong pag-uusapan pa--" "Meron at marami" Ma-autoridad nitong sabi bago ito nakapasok ng tuluyan sa guest room kung saan siya matutulog ngayong gabi Kakalabas lamang ni Pia ng kanyang kwarto at wala pang limang minuto ay si Nathan naman ang nangungulit sakanya Binigyan niya ito ng masamang tingin "Wala nga sabi eh! Lumabas kana Nathan--" Hinawakan agad ni Nathan ang kanyang kamay dahil tinalikuran niya ito. Lalo tuloy napakunot ang kanyang noon dahil doon. Mainit ang kamay nito na tila ba nakakapaso iyon sa kanyang malamig na balat dulot ng malakas na airconditione