Chapter 3
Her POV
Gusto ko sanang umatras pero paano ko magagawa yon kung hawak ni Paul ang kamay ko, umisip ako ng paraan para mabitawan ni Paul ang kamay ko at isa lang ang pumasok sa isip ko. “Uy makahawak ka naman ng kamay close tayo?” tanong ko sa kanya kaya bigla nyang binitawan ako kamay at ng oras na bitawan nya ang kamay ko lumayo na ko sa kanila at umalis sa pila. “They!” sigaw nila pero dumila lang ako sa kanila at kumaway pa. Hindi nila ko malapitan dahil pag umalis sila sa pila hindi na sila pwedeng bumalik dahil nakakahiya naman po sa mga taong nakapila sa likod nila. Tiningnan ko si Paul at umiling sya sakin kaya nagkibit balikat lang ako at kumaway sa kanya at tumalikod na sa kanila saka naglakad palayo pero napatigil ako sa paglalakad ko ng may biglang umakbay sakin at tiningnan ko kung sino yon. “Paul?” sambit ko ng makita ko sya. “Hindi ako papayag na hindi ka sasakay kasama namin.” Sabi nya “Hindi ako pipila ulit don noh!” sabi ko sa kanya at inalis ang kamay nyang naka akbay sakin, feeling super close na sya ah, saka Never akong sasakay ng roller coaster! “Edi hindi na lang din ako sasakay.” Sabi nya at sinabayan akong maglakad. “Wala ka pala hindi ka sumusunod sa pustahan.” Sabi ko sa kanya. “Edi iba na lang gagawin ko, why not let’s go for Zipline.” Sabi nya at tumingala kaya ganun din ang ginawa ko. “Ano game ka ba? Habang sila asa roller coaster tayo sa Zipline” sabi nya. “Sige game ako” sagot ko sa kanya kaya naman kaya nag punta kami sa pila kung asaan ang Zipline at luckily wala gaanong kadaming nag z-zipline kaya agad kaming na salang na dalawa ni Paul. “Ready ka na?” tanong nya sakin kaya tumango ako. Nag bilang ng 1 to 3 ang nag ooperate saka sabay kaming pinakawalan ni Paul. “AHHHHHHHHHHHHH” sigaw ko at nakapikit “Open your eyes!” sabi nya kaya naman ginawa ko at ang unang bumungad sakin ang napakagandang view ng Taal Volcano. “Wow” sambit ko. “Ang ganda diba” sabi nya “Oo ang ganda.” Sabi ko at ngumiti sa kanya. Pagkatapos namin mag Zipline inintay lang namin sila na makayari sa roller coaster. “Ang daya nyo!” sabi ni Aih ang makita kami. “Kaya nga bakit ba iniwan nyo kami at nag solo kayong dalawa?” sabi naman ni Leth. “Hindi po kasi ako sumasakay ng roller coaster!” sabi ko sa kanila. “Killjoy ka talaga They!” sabi ni Ej kaya inirapan ko sya “Saan na tayo next?” tanong ni Paul sa kanila. “Ferris wheel para makita natin ang video ng taal lake.” Sabi ni Ate Lynn kaya doon kami pumila. Ang naging arrangement ng pagsakay ay by partner daw sa roller coaster kanina at dahil nga hindi kami sumakay ni Paul don kaming dalawa ang magkasama.
Habang nakasakay kami ng Ferris wheel hindi mawala ang ngiti ko habang nakatingin sa magandang view ng Taal. “Ang ganda nya talaga” sabi ko at hindi inaalis ang tingin sa view. “You love nature that much?” tanong ni Paul at tumango ako sa kanya. “Dalawang bagay na ang alam ko sayo. Una mahilig ka sa bulaklak pangalawa mahilig ka din sa nuture.” Sabi nya kaya bumaling ako ng tingin sa kanya. “Bakit?” tanong ko sa kanya “Wala lang, ikaw mukang madami ka ng alam sa pagkatao ko pero ako wala pa akong alam tungkol sayo.” Sabi nya kaya natawa ako ng bahagya. “Sige tanungin mo ko at sasagutin ko ang mga tanong mo tungkol sakin para fair.” Sabi ko sa kanya at nagsimula na syang magtanong tungkol sa pagkatao ko na sinagot ko naman. “First Boyfriend?” tanong nya “Wala!” sagot ko sa tanong nya “Seryoso?” hindi makapaniwalang tanong nya. “Oo, hindi pa ako nagkakaboyfriend! Nakakatawa diba.” Sabi ko sa kanya “Ang galing mong mag advise pero wala ka pang naging boyfriend” sabi nya “Wala nga, siguro kaya ako nakakapag advise ay base na din sa mga karanasan ng tao sa paligid ko kaya naman sabi ko sayo na opinyon ko lang lahat ng yon at pag isipan mo din.” Sabi ko sa kanya at tumango sya. “Okay pero siguro naman nagmahal ka na?” tanong nya kaya nawala ang ngiti sa labi ko.
Nag mahal na nga ako pero ayoko ng balikan pa yon. “Oo, nag mahal na ko” sabi ko sa kanya “And what happened?” tanong nya kaya ngumiti ako sa kanya ng pilit at umiling “Next question please!” sabi ko sa kanya “Akala ko ba sasagutin mo lahat ng tanong ko.” Sabi nya “Not this question please! Hindi ko sya gustong pag usapan saka ayokong may ibang taong makaalam.” Sabi ko kaya kumunot ang noo nya. “So ibang tao ang tingin mo sakin?” tanong nya “Hindi naman sa ganon pero kasi Paul hindi tayo ganong kaclose para ikwento ko sayo ang nakaraan ko.” Sabi ko sa kanya at tumango sya sakin at hindi na nagtanong pa.Hanggang sa natapos na ang ride at nagyaya na silang umalis dahil balikan lang naman kami ngayon dahil bukas may pasok kami, bago kami umuwi dumaan muna kami sa isang resto kung saan tanaw namin ang view ng taal lake para doon kumain pero habang nag iintay kami ng vacant table dito muna kami sa may bandang likod para tinggan ang view, umihip ang malamig na simoy ng hangin kaya naman napayakap na lang ako sa sarili ko dahil hindi ko naibaba ang jacket ko sa kotse ni ate Lynn pero nagulat ako ng may biglang magpatong ng jacket sa balikat ko at ng tingnan ko kung sino yon isang ngiti lang ang ibinigay sakin ni Paul. “Akala ko galit ka sakin?” tanong ko sa kanya dahil kanina hindi na nya ko kinausap pa pagkatapos nang ride. “Bakit naman ako magagalit?” tanong nya “Kasi hindi ko nasagot ang tanong mo kanina.” Kibit balikat na sabi ko sa kanya kaya naman tinawanan nya lang ako “Ang babaw ko naman kung ganon, I not that kind of person and I understand kung bakit hindi mo sakin masabi” sabi nya at ginulo ang buhok ko kaya masama ko syang tiningnan.
Hindi naman naging matagal ang pag iintay namin at nagkaroon na ng vacant seat saka habang nag iintay kami kanina umorder na din kami kaya ng nagkaroon ng bakanteng pwesto isinerve agad ang pagkain namin, saglit lang kami sa resto at umalis na pero dumaan pa kami sa bilihan ng mga pasalubong dahil si Mama nag bilin nga sakin kaya bumili ako at ganon din sila. Wala naman na kaming ibang dinaanan at dumiresto ng bumalik sa manila. Nang asa manila na kami nag stop muna kami sa isang gasoline station para mag cr, “They kay Ej ka na sumabay dahil sa iisang village lang naman kayo nakatira para hindi na sya mag paikot ikot pa kasi on the way naman samin ung bahay nila” sabi ni Ate Lynn “Sige pero kasya ba kayo?” tanong ko sa kanila. “Oo saka malapit na dito ang bahay nila Aih!” sabi ni Pol kaya naman nag hiwahiwalay na kami pero bago yon isinoli ko muna kay Paul ang jacket nya. “Thank you!” sabi ko at ngumiti sa kanya at sumakay sa pick up ni Ej at umalis na kami.
“May dapat ka atang ikwento sakin.” Sabi ni Ej kaya tiningnan ko sya “Ano?” tanong ko “Napapalit ka ata kay Paul” sabi nya “Bakit may problema ba?” tanong ko sa kanya at umiling naman sya “Walang problema, napapansin ko lang dahil dati naman hindi kayo nag uusap” sabi nya habang nakatingin sa daan. “Hindi ko din alam kung ano ang dahilan basta medyo magaan ang loob ko sa kanya.” Sabi ko at umamin sa kanya. “Althea don’t let history repeat itself” sabi nya at huminto sa tapat ng bahay namin. “Alam ko Ej” sabi ko sa kanya at bumaba ng sasakyan nya bitbit ang mga dala ko at inintay syang umalis bago pumasok sa loob ng bahay.
Naabutan kong asa living room sila Mama at Papa kaya naman lumapit ako sa kanila at ibinaba sa center table ang dala kong pasalubong. “Ma eto na po ang request nyo.” Sabi ko sa kanya “Thanks anak, may pagkain sa kusina mag pahain ka na lang kung kakain ka.” Sabi nya sakin “Hindi na po kumain na po kami bago umuwi.” Sabi ko at nag paalam para umakyat sa kwarto ko. Pagpasok ko sa loob dumiretso agad ako sa banyo para maglinis ng katawan at magbihis ng pantulog, nang makatapos ako dumiretso agada ko sa kama ko at nahiga. Habang nakahiga ako at nag iisip ng kung ano-ano nag vibrate ang cellphone ko na asa ibabaw ng bed side table ko kaya naman bumangon ako at kinuha yon saka tiningnan kung sino ang nag message sakin.
From: Paul Joshua
Nakauwi ka na?
Basa ko sa text nya kaya naman nag simula akong magtype ng reply sa kanya na asa bahay na ko at hindi na kami natigil sa pag uusap sa text na puro random things lang naman ang pinag uusapan at syempre hindi na wala sa topic namin si Faith at ang buhay pag ibig nya.
Simula non mas naging malapit pa kami sa isa’t isa ni Paul at habang dumadaan ang mga araw, walang araw na hindi kami nag uusap sa phone o kaya naman minsan dumadaan sya sa bahay pag nagpupunta sya kila Faith at kilala na nga sya ng magulang ko. Tulad na lang nga lang ngayon eto na naman sya harap ng bahay namin at parehas kaming nakatambay sa labas ng gate at nakaupo sa may kalsada. “Kamusta ang pagbisita mo kila Faith?” tanong ko sa kanya at umiling sya sakin. “Wala pa din pag asa?” tanong ko sa kanya “Wala, alam mo asa punto na kong gusto kong sumuko pero bakit tuwing susuko ako bigla syang nagpaparamdam sakin.” Sabi nya kaya tinapik ko sya sa balikat “Ano ba talaga ang gusto mo ng mangyari?” tanong ko sa kanya.
“I don’t know! Because I’m not use to this kind of situation.” Sabi nya at napatango na lang ako, SIkat kasi sa buong campus si Faith at pati na din si Paul, they are one of the campus couple kung tawagin nila at sa tagal ng relasyon nila hindi naman na balita na nagkaroon ng third party between them dahil loyal nga sila sa isa’t isa pero hindi naman lahat ng relasyon perfect diba, kaya eto sila ngayon asa point na malapit ng maghiwalay. “Hindi ko alam kung ano ang maiaadvise ko sayo ngayon, si Ate Lynn tanungin mo sa ganyan. Basta ako susuportahan lang kita!” sabi ko sa kanya at binigyan sya ng isang ngiti.
“Thank you dahil lagi kang asa tabi ko at nasasabihan ko ng mga problema ko.” Sabi nya sakin “Wala ka naman mapupunhan na malapit pagkagaling mo kila Faith kung hindi dito lang sa bahay namin eh!” birong sabi ko sa kanya pero hindi naman sya natawa kaya nag seryoso na ko. “If you have any problem you can lean on me! Para saan pa at naging magkaibigan tayo.” Sabi ko sa kanya at nagulat ako ng bigla nya akong inakbayan. “Alam ko yon kaya pag naka boyfriend ka siguro ang laking kawalan sa buhay ko!” sabi nya at ginulo ang buhok ko “Bakit naman?” tanong ko sa kanya at inalis ang pagkakaakbay nya pero hinigpitan lang nya lalo. “Kasi mawawala na ang girl-friend ko” sabi nya at medyo nabingi ata ako “Ano ka mo?” tanong ko ulit sa kanya. “Sabi ko mawawala na ka ko ang babaeng kaibigan ko! Ano ba dinig mo?” tanong nya at umiling lang ako sa kanya.
Tama, babaeng kaibigan nya nga ako at hanggang dun lang yon hindi na lalagpas pa don dahil delikado na pag lumampas ako sa limitasyon ko.