Chapter 40 Her POV Tahimik lang akong nakasakay sa kotse ni Glenn pauwi sa bahay naming “Kung hindi mo pa kaya Thea sabihin mo lang sakin” sabi nya sakin kaya nilingon ko sya “Glenn wag kang mag alala sakin dahil ayos lang ako” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya “Lagi mong sinasabing ayos ka lang kahit hindi naman talaga, kahit minsan lang Thea sabihin mo ung totoo mong nararamdaman kahit sakin lang” sabi nya sakin kaya ako naman ang napabuntong hininga “Hindi nga ako okay” sabi ko sa kanya at inihinto na nya ang kotse nya sa tapat ng bahay namin pero hindi ako bumaba “Sasabihin mo ba sakin kung bakit?” tanong nya kaya tumango ako “Oo pero hindi dito” sabi ko sa kanya saka bumaba sa kotse nya at ganon din sya. Naglakad ako papunta sa park saka umupo sa swing at ganon din ang