Chapter 10

2871 Words
Chapter 10 Her POV Pagkatapos kong punasan si Paul at ng masiguro kong ayos na sya at mahimbing na ang tulog nya saka ako bumaba para iwan na sya. Gabi na din kasi at paniguradong nag aalala na sakin sila mama “Manang aalis na po ako, kailangan ko na po kasing umuwi” sabi ko sa kanya “Ipapahatid na kita dahil gabi na at delikado” sabi nya kaya tumango ako at hindi na tumanggi dahil wala naman akong masaskayan saka low batt ako at hindi ako makakapagpasundo sa driver namin. Ipinahatid ako ni manang sa driver nila Paul pauwi sa bahay namin. Nang makarating ako sa bahay agad akong pumasok sa loob at naabutan ko si mama saka si papa na nag ka-kape sa may living area “Gabi na saan ka na naman ba pumunta?” tanong sakin ni papa “May inasikaso lang po sa labas” sabi ko sa kanya “They, hindi porket pinagbibigyan ka naman lagi ka na lang ganyan na aalis at late na uuwi!” sabi ni papa kaya napayuko ako. “Sorry po” sabi ko sa kanila “Next time ayoko ng maulit to ng hindi mo sinasabi kung sino ang kasama mo at kung saan ka talaga pupunta!” sabi sakin ni papa kaya napatango na lang ako “Wag mo ng pagalitan ang anak mo!” sabi naman ni mama kay papa “Umakyat ka na sa taas at magpalit ka na ng damit mo tapos bumaba ka para kumain” sabi sakin ni mama kaya tumango ako at umakyat sa taas. Napagalitan ako dahil sa nangyari kaya napabuntong hininga na lang ako at nagpalit ng damit saka bumaba para kumain. Hindi ko kasabay na kumain sila papa dahil nauna na silang kumain at gustuhin ko man na hindi kumain hindi pwede dahil galit na si papa at baka lalo pa kong mapagalitan. “Are you with Paul earlier?” tanong ni mama sakin kaya napatigil ako sa pagkain ako at nilingon ko sya “Yes po” sabi ko sa kanya kaya napatango sya sakin “Sa susunod sabihin mo agad kung saan ka pupunta dahil ung paalam mong saglit lang ang tagal mong bumalik saka sana sinabi mo na kasama mo si Paul para hindi na din kami nag aalala kung asaan ka at kung sino ang kasama mo dahil baka kung ano na ang nangyari sayo” sabi sakin ni mama kaya tumango ako “Nagmamadali lang po kasi ako kanina, sorry po” sabi ko sa kanya “Okay lang basta wag mo ng uulitin! Tapusin mo na yang pagkain mo at may pasok ka pa bukas” sabi nya sakin saka ngumiti at umalis na. Tinapos ko lang ang pagkain ko saka umakyat na sa taas para magpahinga sana ng maka-receive ako ng tawag galing kay ate Lynn kaya agad ko yong sinagot “Bakit?” tanong ko sa kanya ng masagot ko ang tawag “How was Paul?” tanong nya sakin kaya napabuntong hininga ako “How did you know?” tanong ko sa kanya “Nakita ka ni Pol noong inihatid mo si Paul sa bahay nila at nalaman ni Pol na lasing nga daw si Paul at ikaw ang kasama” kwento nya sakin “Hindi naman nya talaga ako kasama, tinawagan lang ako ng bartender na lasing nga daw si Paul kaya pinuntahan ko at dapat tatawagan ko si Pol para ihatid kami pero na low batt ang cellphone ko kaya no choice ako kung hindi mag drive” kwento ko sa kanya “Buti naman marunong kang mag drive” sabi nya sakin kaya bahagya akong natahimik at bumuntong hininga na lang ako at sinagot sya “Sabihin mo kay Pol na wag sasabihin na nag drive ako!” sabi ko sa kanya “Bakit naman?” tanong nya sakin “Basta! No one should know na I know how to drive” sabi ko sa kanya “Sige, sasabihin ko kay Pol pero you should explain it to me tomorrow” sabi nya sakin “Oo, magkita na lang tayo bukas” sabi ko sa kanya at pinatay na ang tawag saka humiga sa kama ko. Ang daming nangyari sa araw na to at gusto kong magpahinga! Kinabukasan pagkagising mabilis akong gumayak at bumaba sa baba para kumain ng almusal at hindi ko na din naabutan sila mama na andon at tanging si manang na lang “Asaan po sila?” tanong ko sa kay manang “Maagang umalis pero bilin ng Papa mo na wag ka daw magpapagabi” sabi ni manang habang kumakain ako “Opo” sabi ko at tinapos na ang pagkain ko saka tumayo para umalis na “Manang alis na po ako” sabi ko sa kanya “Mag iingat ka” sabi nya sakin kaya tumang ako at lumabas na kung saan iniintay ako ng driver namin. On the way sa university naging tahimik lang ang buong byahe hanggang sa nakarating kami at agad akong bumaba ng sasakyan para pumasok na sa loob ng campus. Wala ako masyadong nakikitang mga estudyante dahil lahat sila ay asa field ngayon para asikasuhin ang booth para sa dadating na foundation kaya doon agada ko dumiretso at ng makita ko ang mga kaibigan ko pumunta agad ako sa kanila “Buti naman andito ka na They!” sabi nila sakin kaya ngumiti ako sa kanila at tinulungan na sila. Lumapit sakin si ate Lynn “What happened to Paul yesterday?” tanong nya sakin “HE was drunk and unable to go home” sabi ko sa kanya tulad ng sinabi ko kahapon “Bakit ikaw ang tinawagan sa dami namin na pwedeng tawagan bakit ikaw?” tanong nya sakin “I already answer that yesterday saka wag na natin pag usapan yan ngayon dahil napagsabihan ako dahil late akong nakauwi kagabi” sabi ko sa kanya “Not so you kasi” sabi nya sakin kaya napatango ako. Nag uusap lang kami ni ate Lynn ng ibang bagay ng biglang may lumapit samin “They” tawag nya sakin kaya nilingon ko sya at pansin mo agad sa mga mata nya ang sakit na nararamdaman nya “Bakit ka pumasok?” tanong ko sa kanya “They punta muna ko don” sabi ni ate Lynn kaya tumango ako sa kanya at ipinagpatuloy ang ginagawa ko “I want to forget everything” sabi nya sakin “Then accept the reality Paul!” sabi ko sa kanya at napabuntong hininga na lang sya. Nilingon ko sya at itinigil ang ginagawa ko “If you want to forget what happened accept the reality that you and her are no longer together! Hindi pa naman katapusan ng mundo Paul! Madami pang babae dyan na handa kang mahalin at ipaglaban” sabi ko sa kanya “Help me They” Sabi nya sakin “You need to help yourself Paul! Hindi ako, I will just support you” sabi ko sa kanya at tumango sya sakin “Focus on what more important to your life now! Isipin mo na malapit na ang laban nyo at libangin mo ang sarili mo! You have a lot of friends to be with at ipakita mo na malakas ka” sabi ko sa kanya at ngumiti sya sakin at tumango “Thank you for saying those words to me” sabi nya kaya ngumiti ako sa kanya “Your welcome” sabi ko sa kanya “Thank you for bringing me home yesterday! Sinabi sakin ni manang na inalagaan mo daw ako at ikaw ang nag uwi sakin” sabi nya “Wala yon saka kaibigan kita” sabi ko sa kanya “I’m so thanful to have you as my friend” sabi ny sakin “I have a request Paul” sabi ko sa kanya “Ano yon?” tanong nya sakin “Be happy” simpleng sabi ko sa kanya “I will” sabi nya sakin kaya parehas kaming ngumiti sa isa’t isa. “Hoy kayong dalawa dyan wag kayong mag ngitian dyan! Tulungan nyo kami” sigaw ni Aih samin ni Paul kaya natawa na lang kami at yumulong sa kanila. Wala kasing practice ang Volleyball ngayon samantala sila Ej meron pa kaya sya lang ang wala dito pero ipinagpapasalamat ko na din yon kasi paniguradong pagsasabihan ako non sa nangyari hapon. Ilang oras din namin inayos ung booth hanggang sa nakatapos na kami at pare parehas kaming gutom “Kain tayo guys” sabi ni Leth kaya lahat kami ang sumang-ayon sa kanya “Sige pero saan?” tanong ni Ate Lynn “Paniguradong puno na ang canteen nyan” sabi naman ni Leth at may point sya don “Sa labas na lang tayo kumain” sabi ko sa kanila “Sige, mag kita-kita tayo sa mall” sabi ni Pol at saktong dumating si Ej “Aalis kayo?” tanong nya samin “Sa mall kami kakain” sabi ko sa kanya “Sama ko” sabi nya “May practice kayo diba?” tanong ko “Tapos na ngayon, we can continue the practice tomorrow” sabi nya kaya napatango ako “Tara na guys” sabi ni Pol at naglakad na kaya sumunod kami sa kanya “They sakin ka na sumabay” sabi ni Paul at akmang magsasalita ako para sumang-ayon sa kanya pero nagsalita si Ej “They sakin ka sumabay at may sasabihin ako sayo” sabi nya sakin. “Kay Ej ako sasabay” sabi ko kay Paul at hinila naman na sya nila Leth. Kay Ej ako sumabay pero nagulat ako ng iitsya nya sakin ang susi ng kotse nya na agad ko naman sinapo “Why?” tanong ko sa kanya “You drive” sabi nya sakin at nanlaki ang mata ko saka tiningnan sila ate Lynn na nagkibit balikat lang sakin “Ej I can’t” sabi ko sa kanya “You can They! Not all the time you will have excuse for the things you don’t want to do” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako at sumakay sa kotse nya at ganon din sya. “Why are you doing this to me?” tanong ko sa kanya ng ini-start ko na ang kotse nya “Because you need, They” sabi nya sakin kaya wala na kong nagawa at sumunod na ko kila ate Lynn na asa unahan namin. I have my driver license with me all the time kahit hindi naman ako nag didrive pero mukang sa mga oras na to kailangan ko na ulit sanayin ang sarili ko sa pagmamaneho. “Alam kong matagal na kong hindi nag mamaneho pero bakit mo ginagawa sakin to ngayon Ej?” tanong ko sa kanya at ngumiti sya sakin “Nakapagdrive ka na kahapon” sabi nya sakin kaya lumingon ako sa kanya pero sandali lang yon saka ulit itinuon ang atensyon sa pagmamaneho “How did you know?” tanong ko sa kanya “I was there with Pol last night and we both saw you coming out from Paul’s car” sabi nya sakin “And I was happy that after a long time you finally did that kahit na ung taong nag turo sayo ay iniwan ka” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga na lang ako sa kanya “I’m trying to live without the past anymore Ej, tama nag siguro kayo na hindi ko dapat pigilan ang sarili ko sa mga bagay na matagal ko naman ng ginagawa at sa mag hilig ko” sabi ko sa kanya at ngumiti sya sakin. “I’m proud of you” sabi nya sakin kaya napangiti na din ako. Nang makarating kami sa mall nag park na agad ako sa bakanteng parking space at ganon din sila. Sabay kaming bumaba ng kotse ni Ej at ibinalik ko sa kanya ang susi ng kotse nya “You’ll drive later this time” sabi ko sa kanya at tumango sya sakin. “May nalaman na naman tayong bagong impormasyon kay They” sabi ni Anthony kaya natawa ako “Nakakaloka ka girl marunong ka palang mag drive” sabi nya sakin “I know how but I’m not that good” sabi ko sa kanya at sabay sabay kaming pumasok ng mall. Pero nagpatihuli ako sa kanila at sinabayan naman ako ni Paul “They how did you manage to bring me home yesterday?” tanong nya sakin “Hinatid kita pauwi, I know how to drive a car Paul” sabi ko sa kanya “How did you find me?” tanong nya ulit “The bartender call me using your phone and I don’t know why they call me instead of Faith” sabi ko sa kanya. “Hoy kayong dalawa konti na lang talaga iisipin na namin na may namamagitan sa inyo!” sabi ni Aih kaya napailing ako sa kanya “Wag nyong tuksuhin ung dalawa baka magkatotoo” sabi naman ni ate Lynn kaya sinamaan ko sya ng tingin “Wala talaga kayong magawa sa buhay nyo” sabi ko sa kanila at nagulat naman ako ng bigla akong akbayan ni Paul kaya napalingon ako sa kanya at ngumiti sya sakin “Don’t mind them” sabi nya at sinundan na namin sila na kami pa din ang topic ng mga bwisit. Sa isang fast food chain namin napiling kumain at nag usap usap din kami ba hindi na kami babalik sa university dahil wala naman klase saka kahit merong klase ngayon half day lang ang schedule naming pare-parehas. Naglibot libot lang kami sa mall at nag hiwahiwalay din dahil ung iba may gustong bilin at ako ang kasama ko ngayon ay si Paul dahil parehas kaming may bibilin sa bookstore na dalawa pero pagpasok namin sa loob nakasalubong namin si Faith kaya natigilan kami ng makita sya “Paul” tawag nya kay Paul pero ngumiti lang si Paul sa kanya at pumasok sa loob, susundan ko na sana si Paul pero hinawakan ako sa braso ni Faith “Take good care of him, he doesn’t deserve me so I break up with him. Alam kong mas deserve nya ang isang tulad mo They” sabi nya sakin “Magkaibigan lang kami” sabi ko sa kanya “Hindi yon ang nakikita ko sa tingin mo sa kanya nitong nagdaan na linggo They! Don’t hide your feelings to him dahil sa lahat ng nagawa mo para sa kanya alam kong may puwang sya dyan sa puso mo. Tell him that you like him before he finds someone else” sabi nya at umalis na. I don’t have feelings toward Paul dahil hindi pa bukas ang puso ko para don, pumasok na ko sa loob at sinundan sya. “What did she say?” tanong nya sakin “Bakit kasi hindi mo kinausap?” tanong ko sa kanya “I can’t” sabi nya sakin. “Paul you need acceptance” sabi ko sa kanya “I’m trying They” sabi nya kaya napatango na lang ako at hindi na binuksan pa ang topic na yon. ONE WEEK had passed at madaming nangyari sa isang linggo na yon, Faith and Paul finally settle everything between them at ngayon masaya na sila sa isa’t isa ng parang walang break up na nangyari. Hindi man sila para sa isa’t isa pero they are happy. Mas itinuon ngayon ni Paul ang sarili nya sa training para sa nalalapit nilang game at halos lahat naman ng kaibigan ko ganon pwera na lang samin ni Ate Lynn na hindi naman kasali. Sa isang linggo din na lumipas mas napalapit ako lalo kay Paul na mas madalas na kaming magkasama ngayon kaya lagi kaming pinagtitripan ng mga kaibigan namin pero hindi na lang namin pinapansin yon kasi wala naman meaning ang closeness namin. “They come here” sabi ni Paul sakin kaya lumapit ako sa kanya. Andito kami ngayon sa may park malapit sa bahay namin at naglalaro sya ng volleyball na mag isa “Bakit?” tanong ko sa kanya “I will teach you how to play para naman may kalaro ako” sabi nya sakin “Ayoko” sabi ko sa kanya dahil ayoko ng volleyball! I like sports pero hindi masyado sa volleyball. “Tuturuan kita! Sabi ni Ej you know how pero baka daw nakalimutan mo na” sabi nya sakin at gusto kong sakalin si Ej dahil halos lahat na ata ng mga hilig ko sinabi na kay Paul “This is the last time I’m playing volleyball!” sabi ko sa kanya kaya ngumiti sya sakin at nagsimulang mag serve na tinira ko naman at patuloy lang kami sa paglalaro. “Tama nga si Ej you know how to play!” sabi nya sakin “I know a lot of sports pero basic lang” sabi ko sa kanya at tumigil na sa paglalaro dahil hingal na ko. It’s been years since I play this game kaya medyo napagod ako. “Malapit na ang game nyo ah” sabi ko sa kanya “Watch me play” Sabi nya sakin “Sabay ba kayo ng laban nila Ej?” tanong ko “Hindi, mauuna kami sa kanila kaya makakanood tayo ng laban nya” sabi nya sakin kaya napatango ako. “Ang kalaban nyo ay ung kalaban nyo din last time diba?” tanong ko sa kanya “Oo sila pa din pero mas intense na ngayon” sabi nya sakin “Good luck sa game nyo” sabi ko sa kanya “May isa pa kaming game na nakaline up pero sa foundation day naman yon for the last festival ng school next month” sabi nya sakin “Ang bilis ng panahon” sabi ko sa kanya at napatango naman sya sakin “Next year will be facing a real life situation” sabi nya kaya bahagya akong tawa “Kaya nga magseryoso ka na” sabi ko sa kanya “Seryoso naman ako” sabi nya kaya tinawanan ko sya at ganon din sya sakin. We just talk and laugh for the whole time na magkasama kami bago nya ko inihatid sa bahay namin. “See you sa game” sabi nya sakin “See you” sabi ko at pumasok na ko sa loob ng bahay ng may ngiti sa mga labi. Ung puso ko unti unti ng nawawala ang pader na ginawa ko para hindi ako mahulog sa kanya. Hindi ko alam kung tama bang hayaan ko na mahulog ako sa kanya ngayong wala na sila ni Faith o hahayaan ko na lang na tong nararamdaman ko hanggang sa mawala? Takot pa din akong magmahal ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD